Topics Copy Trading

Crypto Social Trading: Ang Susi sa Trading na Katulad ng mga Expert

Beginner
Copy Trading
Hun 2, 2022

Ang crypto social trading ay isang makabagong phenomenon na tumutulong sa ordinaryong mga investor na makapag-isip ng higit kung tungkol sa consistent at kumikitang trading. Sa ngayon, ang sinuman ay pwedeng sumali sa napaka-exciting na trading sa pamamagitan ng pakikinig sa mga ekspertong trader at pagsunod sa kanilang mga kakaibang investment strategy.

Makakalimutan mo na ang sinasabi ng mga disclaimer na mahigit 70% ng mga trader ang nawawalan ng pera sa trading. Sa halip, ang kombinasyon ng crypto trading at social trading ay nagbibigay sa mga trader ng pag-asa na maging consistent ang kita na hindi na nakakadama ng pangamba tungkol sa mga market.

Sa article na ito, matutunan mo kung paano mag-trade na katulad ng mga expert sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga strategy ng mga expert trader, paggaya ng kanilang mga trade, at pag-automate ng system para makontrol mo ang iyong portfolio.

Ano ang Crypto Social Trading?

Ang Crypto Social Trading ay isang uri ng investment na nagpapahintulot sa mga trader na matuto mula sa mga expert at kopyahin ang mga trading strategy ng mga makaranasang crypto trader.

Ibang-iba ito sa regular na crypto trading. Sa mga tradisyonal na sitwasyon, mag-o-open ka ng account na may crypto exchange para makapag-trade ng ibat-ibang uri ng cryptocurrency. Para makagawa ng matatagumpay na trade, magre-rely ka sa mga financial news at mga technical indicator para makapag-trade sa crypto market.

Bagaman ito ang pinakakaraniwang paraan sa pag-trade ng mga financial instrument, ito ay mapanganib. Karamihan sa mga trader ay hindi nagtatagumpay sa kalaunan dahil hindi nila naaabot ang kinakailangang mindset para tiyakin na consistent ang mga kita.

Kung napakarami ng pera mo, ang isang paraan na malusutan ang panganib ay ang pag-i-invest sa isang hedge fund. Ngunit kadalasan, ang paggawa nito ay hindi nakapagbibigay ng mga consistent monthly return na gustong-gustong maabot ng karamihan sa mga trader.

Ang isang lunas sa mga problemang ito ay ang social trading.

Sa pamamagitan ng social trading, magagawa mo din ang mga trade ng mga makaranasang trader sa iyong account, at makakatanggap ka ng matataas na return na kaugnay sa intraday at day trading. Hindi kailangang maging milyonaro ka para makasali, dahil sa pamamagitan ng mga crypto trading platform, makakapag-invest ang mga user ng hanggang $1 kaliit. Ang lahat ay pwedeng sumali — sa isang transparent na kapaligiran na may kaunti lang o walang restriksiyon.

Paano Gumagana ang Crypto Social Trading?

Maraming crypto social trading platform ang naglitawan sa mga nakaraang taon, na nagbibigay ng kanilang mga serbisyo sa publiko sa pangkalahatan. Iba-iba ang mga dynamics ng bawat social trading platform, pero parehas lang ang konsepto nito: Hayaang kopyahin ng mga investor ang mga trading pattern ng mga mas makaranasang trader.

Ang proseso ng pag-create ng account ay halos parehas lang sa bawat kaso. Upang simulan ang pag-copy ng mga trade, kailangan mong mag-open ng account sa paborito mong crypto social trading platform. Ang setup ay kadalasang nangangailangan ng paglalagay ng mga pangunahing detalye. Ang pag-share ng ganitong mga kredensiyal at ng platform ay nagbibigay ng access sa mas malawak na trading history at mga performance chart ng mga expert trader. Pwede mo ring gamitin ang social media o ang iyong Gmail account para sa quick access.

Pinahihintulutan din ng ilang social trading platform ang mga user na ma-view ang performance ng bawat expert na hindi kailangang mag-create ng account; pero, karamihan sa mga stats na ito ay limitado ang scope, at kadalasan, ang mga stats ay hindi nagbibigay ng detayadong analysis ng trading performance. Kaya, lubos na inirerekomenda na mag-create ka ng free account para mapag-aralan ang platform at mga expert trader nito bago mag-trade sa totoong pera.

Matuto sa mga Expert Trader

Pero, sino nga ba itong mga expert trader?

Ang mga expert trader ay mga indibiduwal na kadalasang kumbinsidong-kumbinsido sa kanilang mga kakayahan na mag-trade ng crypto at iba pang mga financial instrument. Ang sinuman ay pwedeng maging expert trader sa pamamagitan ng pagsali sa specific program na inaalok ng kaugnay na mga social trading platform. Dapat ipakita ng isang indibiduwal na gustong maging expert ang consistent at kumikitang trading performance.

Sa part mo, pwede mong i-follow ng isa-isa ang maraming expert trader pagkatapos ma-review ang kanilang trade history, risk-reward ratioROI indicator at iba pang mga parameter. Batay sa business model ng platform, maaari kang mag-trade ng mga crypto doon mismo sa platform, o pwede mong i-connect ang iyong existing na crypto account gamit ang automated API.

Sa pananaw ng trading community, ito ay isang win-win na situwasyon para sa crypto trader at crypto social trading platform. Pinahihintulutan nito ang mga crypto trader na automatic na makapagsagawa ng mga trade ng higit sa isang beteranong trader sa kanilang trading account. Sa kabilang banda naman, maaaring pataasin ng social trading platform ang revenue nito sa pamamagitan pag-charge ng service fee sa bawat user.

Upang lalong maintindihan ang ibat-ibang uri ng mga crypto social trading platform sa market, narito ang isang overview kung paano nila pinagsisilbihan ang kanilang mga kustomer.

Volume-Based

Ang mga social trading platform tulad ng eToro at Zulutrade ay hindi nagpapa-charge ng kahit anong fee sa paggaya ng mga trade ng mga makaranasang trader. Sa halip, ang mga platform na ito ay kadalasang nakakatanggap ng bayad mula sa bid/ask spread saanman naisagawa ang isang trade sa iyong account. Sa ibang salita, nangangahulugan ito na hindi mo na kailangang magbayad ng kahit anong fee sa pag-follow ng expert trader.

Fee-Based

Ang ilang platform ay nagcha-charge ng kaunting fee bilang suporta sa kanilang business model. Halimbawa, ang NAGA ay nagcha-charge ng $0.99 bawat trade at ng 5% commission sa mga kumikitang trade na lampas $10. Walang alinlangan na napakaganda ng reputasyon ng NAGA sa industriya, pero hindi ito bagay sa mga investor na gustong mag-trade sa maliliit na halaga. Sa ganitong kaso, mas malamang na malulugi ka sa halip na kumita.

Subscription-Based

Ang Coinmatics at Collective2 ay mga halimbawa ng mga well-established na platform na umaasa sa mga subscription. Bilang isang investor, kailangan mong mag-subscribe sa isa sa kanilang mga plan para ma-access ang mga mahahalagang feature. Bilang kapalit, hindi ka icha-charge sa anumang fee sa pag-copy ng mga trade.

Marahil iba-iba din ang uri ng subscription model. Halimbawa, ang Coinmatics ay nagcha-charge saanman mula $0 hanggang $25 para ma-copy ang mga expert, at maari kang mag-copy ng maraming strategy. Kabaligtaran naman sa Collective 2, hinahayaan nila ang mga expert na magdesisyon kung magkano ang icha-charge nila para sa kanilang mga strategy.

Hybrid

Ang Tradelize, na medyo baguhang social trading platform, ay isang halimbawa ng hybrid business model. Hindi katulad ng ibang mga serbisyo na subscription-based, nasa kanilang free plan ang lahat ng mga basic service. Pero, ang mga professional at institutional customer ay binibigyan ng charge sa paggamit ng mga advanced feature.

Siyempre, hindi lamang ito ang mga uri ng service model na ginagamit ng mga crypto social trading platform. Matatagpuan mo ang lahat ng uri ng mga system sa market, kasama na ang mga performance-based at profit-sharing model.

Anuman ang fee, mahalagang maunawaan na mayroon pang mas importanteng bagay kaysa sa pagbayad ng mga service fee. Gayunpaman, ang quality ng mga expert trader sa platform ay ang totoong susi sa matagumpay na social trading.

Mga Pros at Cons ng Crypto Social Trading

Binago ng social trading ang mga dynamics ng financial trading. Ang trading noon ay kontrolado ng mga hedge fund manager, pero itong bagong trading landscape ay naiimpluwensiyahan ng mga expert trader, mga automated system at mga cryptocurrency. Kung hindi ka pa makapagdesisyon, tingnan ang sumusunod na mga pakinabang at mga drawback ng social trading. Makakatulong ito para makapagdesisyon ka kung talaga bang sulit ang social trading.

Pros

Minimum Learning Curve 

Ang crypto social trading ay tumutulong sa iyo na makagawa ng positive ROI anuman ang kaalaman mo tungkol sa mga financial market. Nag-aalok din ang automation ng isang psychological boost kaya kikita ka parin nang walang pangamba tungkol sa mga kasalukuyang sentimento at mga kalagayan ng market.

Kontrol ng Oras 

Ang crypto social trading ay tipid sa panahon at lakas dahil hahayaan mo ang iba na mag-trade para sa iyo. Hindi na kailangang umupo sa harap ng trading terminal, para asikasuhin ang mga trade. Ang mga modernong crypto social trading platform ay nag-aalok ng mga advanced control panel kaya pwede mong i-set nang automatic ang isang risk profile para samantalahin ang mga kasalukuyang trend.

Edukasyon sa Trading

Ang crypto social trading ay isang pambihirang tool para sa pag-aaral ng mga bagong teknik at strategy sa trading. Kung nagti-trade ka ng mga financial instrument, ang pagtingin sa trade history ng isang expert trader ay makapagbibigay sa iyo ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga strategy nila, at kung paano nila kinontrol ang panganib.

Pinaunlad na Transparency

Ang crypto social trading ay transparent. Hindi tulad ng mga hedge fund, signal provider service at copy trading, ang mga reputable crypto social trading platform ay nag-aalok ng mas malawak na impormasyon sa bawat trade. Dahil dito, talagang imposible na manipulahin ang performance data.

Iba-ibang Portfolio 

Sa pamamagitan ng crypto social trading, pwede mong gawing iba-iba ang iyong mga investment. Makakapili ka kaagad ng mga signal provider, at maa-adjust ang mga parameter ayon sa gusto mong risk appetite. Ang karamihan sa mga platform ay nagpapahintulot sa iyo na mag-invest nang sabay-sabay sa mga stocks, forex (o FX) at iba pang mga financial instrument.

Cons

Kaunting Control

Ang crypto social trading ay hindi magbibigay sa iyo ng full control sa mga desisyon mo tungkol sa trading dahil aasa ka pangunahin na sa karanasan ng ibang mga trader para magtagumpay. Maliban kung nag-create ka ng isang risk profile para sa mga expert trader mo, posibleng malaki ang malulugi mo sa capital kung hindi maging maganda ang kalagayan.

Manipulasyon ng Performance 

Ang mga crypto social trading performance chart ay maaaring i-adapt para bumagay sa isang expert trader. Halimbawa, ang kakulangan sa data tungkol sa mga drawdown ay kadalasang humahantong sa maling pagkadama ng security. Ang drawdown ay tumutukoy sa nabawas sa kasalukuyang capital kung ang trading account ay bumagsak mula sa pinakatuktok, bago ito makabawi. Kaya, napakahalagang alamin ng mabuti ang mga drawdown sa halip na tingnan lamang ang performance chart.

Mas Mataas na Budget

Maaaring kailangan sa crypto social trading ang mas mataas na budget. Depende sa crypto copy trading platform, ang unang investment para makapag-open ng account ay maaaring mas mataas kaysa sa gusto mong i-invest.

Mas Kumplikado

Ang crypto social trading ay kadalasang nangangailangan ng kakaunting learning curve. Dahil ang bawat crypto social trading platform ay may sariling mga rule, control panel at fee, kailangan ang panahon para makapag-adjust sa environment. Sa ganitong senaryo, subukang gawin ang isang demo trade bago tumodo sa totoong pera.

Crypto Social Trading kontra Crypto Copy Trading

Ang mga terminong “social trading” at copy trading ay kadalasang ginagamit nang salitan. Dahil bago ang karamihan sa mga konseptong ito, hindi magiging overstatement kung sasabihin na ang internet ay puno ng mga maling kahulugan at konsepto tungkol sa mga pagkakaiba ng dalawa.

Karaniwan nang iniisip ng mga tao na ang ibig sabihin ng copy trading ay pangongopya sa ibang mga trader, at ang social trading ay tumutukoy sa kasunod na trading mindset ng social trading community. Pero, ang mga pangangatuwirang ito ay hindi kasuwato sa kung ano ang totoo dahil tumutukoy ito sa mga modernong crypto social trading platform. Alam ng mga makaranasang trader na ang pagbabasa ng kung anu-anong impormasyon sa internet ay nagpapadagdag lamang ng kalituhan.

Ano ang Copy Trading?

Ang copy trading ay bahagi lamang ng mas malalaking social trading phenomenon. Ang konsepto ng copy trading ay nagsimula noong bago pa lang ang online trading, noong makakakuha ang mga tao ng mga trade signal sa kanilang mga mobile. Ang signal provider ay magpapadala ng mga notification sa mga follower na nag-subscribe sa kanilang serbisyo.

Habang sumusulong ang teknolohiya, ang mga signal provider ay nagsimulang maghatid ng mga serbisyo sa anyo ng copy trading. Pinahintulutan ng mga well-established copy trading platform ang mga signal provider na ito na gamitin ang kanilang mga platform para makapag-generate ng mga signal, na pwedeng automatic na kopyahin ng libu-libong tao na hindi umaasa sa mga text notification. Ang Mirror Trader, na naitatag noong 2005, ang pinakaunang platform na nag-aalok ng mga copy trading service. Sa paggamit ng platform, maka-copy mo agad ang trading signal ng isang expert trader.

Transisyon Patungo sa Social Trading

Pagkalipas ng mga ilang taon, pinaunlad ng eToro ang konsepto ng copy trading sa pamamagitan ng pagpapakilala ng isang totoong social trading platform. Sa halip na hayaan lamang ang isang indibiduwal na kopyahin ang isang trader, nag-aalok ito sa mga user ng mas malawak na kontrol sa kanilang mga trade sa pamamagitan ng pag-introduce ng isang control panel kung saan pwede nilang alamin ang mga risk parameter.

Bilang pakinabang sa teknolohiya, pwedeng sabihan ng sinuman ang system na ihinto ang trade kung kinokontra na nito ang kanilang risk-taking appetite, katulad din ng pag-set ng stop-loss at take-profit, anuman ang strategy.

Ang isa pang mahalagang konsepto, na malapit din na nauugnay sa kahulugan ng social trading, ay ang pagpapakilala ng ibat-ibang financial instrument na pwedeng i-trade ng kahit sino. Sa halip na kopyahin ang mga expert, pinahihintulutan ng mga modernong social trading cryptocurrency platform ang mga user na mag-trade ng mga asset tulad ng ginagawa nila gamit ang isang broker.

Dahit dito, makakapag-communicate ang mga trader sa social trading community ng isang partikular na platform, at makakakuha sila ng mga posisyon na hiwalay sa mga posisyon na na-generate sa kanilang portfolio sa pamamagitan ng pag-trade sa mga expert. Para makatipid sa oras at makagawa ng mahuhusay na desisyon, pwede din nilang gayahin ang mga portfolio ng kapwa nila trader, o baguhin ang share ng isang espesipikong asset sa kanilang portfolio.

Dahil sa lahat ng mga feature na ito, ang social trading ay talagang totoong “social” phenomenon kung saan ang lahat ay makikinabang sa pinagsamang kaalaman ng buong community. Ang konsepto ay iba sa pure copy trading, kung saan ang mga expert trader lamang ang in charge sa proseso ng paggawa ng desisyon.

Pinakamagaling na Crypto Social Trading Platform

Ito ang aming top 10 picks para sa pinakamagaling na crypto social training platform batay sa popularity, mga regulatory affair, customer review at platform feature. Bilang pagsunod sa aming quality guidelines, sinubukan naming isama ang ibat-ibang popular service model na hindi iniiwan ang mga nangungunang crypto social trading platform. Mag-enjoy!

Zulutrade

Naitatag noong 2007, ang Zulutrade ay isa sa pinakamalaki at pinakakilalang social trading platform. Ang headquarters ng kompanya ay nasa Greece at nag-e-execute ng bilyon-bilyong dolyar sa volume na trading bawat taon.

Maraming expert ang nagti-trade lamang ng mga crypto sa platform. Ang copy trading ay walang bayad, pero ang minimum na halaga sa pag-create ng account ay $100. Ang mga Zulutrade partner ay may mahigit na 30 broker, kaya pwede mong i-connect ang account mo para kopyahin ang mga trade na naisagawa ng mga expert.

Ang pangunahing drawback nito ay ang limitadong dami ng mga cryptocurrency na pwede mong i-trade. Sa panahon na sinusulat ito, mayroong 13 cryptocurrency lamang na inaalok. 

eToro

Bilang isa sa mga naunang crypto trading platform, ang eToro ay naging isang multimillion dollar company na may mga tanggapan sa limang kontinente. Ang social trading platform ay regulated ng FCA (UK) at CySec (Cyprus).

Ayon sa opisyal na website, ang 50 most copied expert traders sa eToro ay nag-generate ng average na 30.4% return noong 2021. Pwede kang mag-trade sa halos 60 cryptocurrency, at walang fee sa pagkopya ng mga crypto trader. Dahil sa estriktong performance criteria, mahahanap mo agad ang maraming matatagumpay na mga crypto trader na may matatag na performance history.

Pero ang downside, ang mga investor ay kailangang mag-invest ng hindi kukulangin sa $200 bago makapag-trade sa totoong pera. Ang customer support ay nahuhuli din sa ibang kilalang mga platform.

NAGA

Ang Naga Group AG ay isang German publicly listed fintech company. Simula nang sumali sila noong 2015, ito ay naging pinakamalaking crypto-only na social trading platform. Depende sa gusto mo, puede kang mag-trade ng mga crypto o sumali sa social trading platform, na NAGA.

Batay sa mga stats, sinabi ng kompanya na ang mga top 10 expert trader nito ay consistent na nakapagsagawa ng mahigit 85% win-loss ratio. Ang platform ay may malaking bilang ng mga trader na pwedeng i-follow. Para makapag-initiate ng trading, kailangan mo lang mag-deposit ng €10. Kaugnay nito, sinusuportahan ng platform ang lahat ng mga pangunahing credit card at ibat-ibang payment method sa buong mundo.

Ang pangunahing drawback ay ang fee nito. Icha-charge ka ng €0.99 bawat trade at ng 5% commission sa mga kumikitang trade na lampas €10. Dahil sa internasyonal na mga regulasyon, ang serbisyong ito ay hindi available sa USA at UK.

Coinmatics

Ang Coinmatics ay isa sa mga baguhan sa industriya. Sinusunod nito ang subscription-based copy trading model, na nagpapahintulot sa mga user na kopyahin ang mga indibiduwal na strategy. Para gayahin ang isang partikular na strategy, kailangan mong i-connect ang Coinmatics system sa isang crypto exchange account.

Pwede kang mag-subscribe sa isang trading strategy sa pamamagitan ng pagbayad ng subscription fee o pagkakaroon ng mga trading signal sa phone mo. Nag-aalok ang platform ng isang proprietary rating system sa bawat signal provider na nagpapahintulot sa bawat user na ma-filter ang mga strategy ayon sa risk appetite ng user. Anuman ang fee, kailangan mo ng hindi kukulangin sa $50 para makapagsimula ng trading.

Ang Coinmatics ay pangunahing umaasa sa sistema ng mga copy trade. Bilang resulta, ang bilang ng mga social tool ay limitado lamang. Sa ngayon, ang sinusuportahang mga exchange ay ang BybitBinanceOKX, at FTX.

Tradelize

Ang Tradelize ay baguhan din sa crypto social trading. Kahit bago pa lang ito, ipinakilala nito ang innovative new model na humihikayat sa mga indibiduwal na matuto sa ibang mga miyembro ng community sa pamamagitan ng pag-share ng mga trading credential. Karagdagdagan pa, nagpo-focus lamang ito sa mga cryptocurrency.

Tinitiyak ng pagkoko-connect ng broker account sa Tradelize na pwedeng makita ng sinuman sa ecosystem ng Tradelize ang trading history mo. Sa tuwing ma-import na ang history sa platform ng Tradelize, ang system ay automatic na mag-a-assign ng rating sa user.

Ang mga miyembro ng community ay pwedeng matuto at mag-chat sa iyo para matuto tungkol sa trading style mo. Pwede rin silang mag-request na ikaw ang mag-trade para sa kanila. Sa layuning ito, ang Tradelize ay nag-aalok ng mirror trading, kung saan makakabuo ka ng isang trade history para makakuha ng mga follower.

Bagaman may free account, kailangang magbayad ng fee ang mga professional trader para makatanggap ng mga karagdagang perks. Dahil medyo baguhang platform pa lamang ito, wala pa itong sapat na mga review para masuri ang popularity nitong bagong social trading cryptocurrency model.

3Commas

Itinatag noong 2017, ang 3Commas ay isang well-established Estonian company na nag-aalok ng mga innovative automated crypto trading bots. Pwede kang mag-connect sa trading terminal nito na maraming feature sa mahigit 18 crypto exchange.

Upang gamitin ang mga feature na ito, mag-subscribe sa mga free o paid plan. Sa tuwing connected na, makakapag-create ka ng iyong automated crypto trading bot mula sa ibat-ibang automated strategy na mayroon ang 3Commas. Ang lahat, anuman ang kanilang trading experience, ay makakapag-create at makakapag-set ng mga automated trade parameter para sa kanilang mga trade. Kung kinakailangan, pwede mo ring gayahin ang isang trading portfolio ng isa sa mga kasama mo.

Ang pangunahing drawback ng 3Commas ay ang kakaunting learning curve kaugnay sa pag-set up ng mga bot. Madali man itong gawin ng iba, ang iba naman ay mas nahihirapan dito. Karagdagan pa, sa panahon na sinusulat ito, wala pang desktop application para sa 3Commas, na maaaring humadlang sa ilang makaranasang trader sa pagsali sa community.

Shrimpy

Ang Shrimpy ay isang social trading at portfolio management platform. Itinuturing lamang ito noon bilang portfolio management system kung saan maaari mong i-connect ang lahat ng mga wallet mo at mga exchange para sa mas malawak na overview ng mga asset mo.

Ito ay nagbago nitong mga nakaraang taon dahil ipinakilala ng Shrimpy ang maraming social trading tool para mapaunlad ang mga maiaalok nito. Halimbawa, sinabi nito na nag-aalok sila ng isa sa mga pinakakomprehensibong set ng market data para masubukan muli ang mga trading strategy.

Gayundin, maaari mong i-automate ang isang strategy batay sa mga portfolio ng mga investment fund gaya ng Coinbase Ventures, Blockchain Capital o Binance Labs. Karagdagan pa, maaari mong kopyahin ang mga expert trader para magaya ang kanilang performance.

Bagaman nag-aalok ang Shrimpy ng maraming feature, hindi gaanong marami ang mga expert trader na kokopyahin. Malamang na hindi rin ito pinili ng ibang user dahil wala itong free plan.

Zignaly

Ang Zignaly ay naitatag sa isang profit-sharing model na may iilang expert trader, na gumagamit ng kanilang capital para makapag-generate ng passive income para sa kanilang mga follower. Pinopondohan ng mga mapagkakatiwalaang venture capital firm, ang kompanya ay mabilis na naging go-to platform para sa mga copy trader.

Walang fee sa pagsali sa platform. Maliban sa profit-sharing model, maaari ka ring sumali sa mga strategy na nilalakipan ng mga crypto trading bot, crypto copy trading at mga crypto signal. Dahil sa malinis na interface, mga transparent stats at open access, ang Zignaly ay isa sa mga aabangan sa hinaharap.

Sa panahon na sinusulat ito, sinusuportahan lamang ng platform ang apat na pangunahing crypto exchange: Binance, KuCoin, AscendEX at BitMEX. Sa kabila ng masiglang tema nito, kailangan pa rin ng team na nagpapatakbo ng Zignaly na paunlarin ang pagbuo at pagpapasulong ng kanilang social community.

Pionex

Sinasabi ng Pionex na isa sila sa mga pinakaunang crypto exchange na may mga built-in trading bot para malaman ang galaw ng market. Simula ng na-launch ito noong 2019, nakakakuha na ito ng napakalakas na traction kung tungkol sa araw-araw na trade volume. Ang kanilang Money Services Business (MSB) ay lisensiyado ng U.S. FinCEN.

Sa pamamagitan ng pag-create ng account sa Pionex, makakapag-trade ang mga user sa mga pangunahing cryptocurrency, na may labing-anim na auto-trading bot para ma-streamline nang 24/7 ang trading mo. Ang platform ay nag-aalok ng halos 350 token, na mayroon lamang 0.05% na trading fee.

Ang Pionex ay walang gaanong social trading tool na magagamit. Hindi ito maka-classify bilang totoong social trading platform, pero ang intuitive model nito ay sapat na para mapabilang dito sa listahan.

Cryptohopper

Ang Cryptohopper ay pinaghalong mga automated bot at social trading. Ang platform na ito ay itinayo ng magkapatid na lalaki, at naging host ng higit 9 milyong buwanang transaksiyon na tinatayang nasa $2 billion.

Ang model na ito ay nag-o-operate sa paniniwalang mas malalamangan ng mga bot ang magagawa ng mga tao sa kalaunan. May kaugnayan sa teoriyang ito, nag-aalok ang Cryptohopper ng pinakamaraming automated strategy sa industriya, na pwedeng gamitin sa 10 nangungunang crypto exchange. Karagdagan pa, maaari mo ring subukan ang tradisyonal na social trading setup, o mag-create ng iyong mga strategy na ginagamit ang easy-to-use strategy designer. Mayroong subscription fee ang pag-try out sa lahat ng feature na ito.

Bagaman mayaman sa feature ang platform, ang presyo ng subscription ay mas mahal kaysa sa mga model na katulad nito. Ang isa pang setback ay ang kakulangan ng mas malawak na impormasyon tungkol sa mga bot.

Talaga Bang Sulit Subukan ang Crypto Social Trading?

Ang konsepto ng crypto social trading ay mas bago kung ikukumpara sa mga tradisyonal na trading model.

Ang isang dahilan na dapat subukan ang crypto social trading ay dahil ang mga institusiyon at mga milyonaryo ay patuloy na umaasa sa ganitong mga model para makapag-imbak ng kita sa mga hedge fund. Sa panahong ito lamang pinahihintulutan na ng teknolohiya ang lahat na sumali sa party.

Pinahihintulutan din ng social aspect ng crypto trading ang mga indibiduwal na matuto sa iba. Ang mga social signal na na-generate ng community ay katulad ng "insider news" na pwedeng humikayat sa maraming tao na sumali sa trade sa mismong pagkakataon.

Maliban sa mga ito, maraming mga dahilan kung bakit ang crypto social trading ay talagang may patutunguhan. Hindi katulad ng mga hedge fund at iba pang paraan ng investment, ito ay transparent, pinahihintulutan ang sinuman na sumali, at hinahayaan ang mga indibiduwal na kontrolin ang kanilang investment portfolio habang natututo sila sa mga expert trader.

Ang Mahalagang Tandaan

Pinag-uusapan na ng mga expert ang tungkol sa pagpapalit ng social trading sa ibang anyo ng mga investment. Dahil sa flexibility nito at kontrol, ang model ay isang natural na tagapagmana ng mga tradisyonal na investment strategy. Kung hindi ka pa sigurado, subukan ang isang demo account upang magkaroon ka ng ideya tungkol sa walang katapusang mga posibilidad na maiaalok ng mga crypto social trading platform.