Guides Bybit VIP

Bybit Fees: Lahat ng Dapat Ninyong Malaman Bago Mag-trade Ng Crypto [Updated]

Beginner
Bybit VIP
13 de abr de 2022

Ang cryptocurrency market ay lumago mula sa bagong-bago at hindi madaling ma-convert sa cash na market patungo sa uri ng asset na may higit sa $2 trilyon ang halaga. Ang mga market ay bukas sa pagti-trade 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, at ang pakikibahagi ay talagang simple. Pero una, kailangan mo munang maghanap ng palitan.

Ang mga cryptocurrency exchange ay mga marketplace na nagpapahintulot sa inyong bumili at magbenta ng mga cryptocurrency sa presyo sa merkado. Pinagsasama-sama ng palitan ang mga order para makapagbigay ng mga paraan para bumili at magbenta kahit anong oras. Sangkot sa mga palitan ang gastos depende sa dalas ng inyong pagti-trade at uri ng asset na tini-trade. Dadalhin namin kayo sa lahat ng dapat ninyong malaman tungkol sa trading fee ng Bybit para makapag-trade kayo na may malinaw na ideya sa inyong gastos.

Talaan ng Nilalaman

  1. Ano Ang Mga Trading Fee? 

  2. Ano Ang Mga Maker at Taker?

  3. Paano Gumagana Ang Mga Trading Fee ng Bybit?

  4. Pagkalkula sa Mga Trading Fee ng Bybit

  5. Derivatives Trading Maker & Taker Fee ng Bybit

  6. Mga Deposit at Withdrawal Fee ng Bybit 

  7. Mga Leverage Fee

  8. Mga Funding Fee ng Bybit

  9. Paano Magsimula 

  10. Ang Bottom Line

Ano Ang Mga Trading Fee? 

Ang mga trading fee ay mga gastos na transaksyon na sinisingil sa inyo kapag naglagay kayo ng anumang order sa marketplace exchange. Ang bawat uri ng transaksyon ay maaaring may sariling anyo ng gastos, na maaaring sumailalim pagbabago sa maikling abiso. Sa pangkalahatan, kabilang sa mga trading fee ng cryptocurrency ang ilang uri ng gastos.

Ang mga palitan ay pangunahing gumagawa ng komisyon mula sa mga volume na na-trade. Gayunpaman, ang mga bayarin ay hindi lamang inilalapat sa mga trade, kundi sa mga deposito at withdrawal, funding fee, margin at leverage cost, at kahit sa pamamagitan ng bid-ask spread cost. Ang halaga ng palitan ay kaniwang magkakaiba mula 0.1% hanggang 1% o higit pa sa bawat trade. Subalit magkakaiba ang mga iyon sa iba't ibang palitan. Sa huli, ang lahat ay nauuwi sa uri ng mga contract sa pagti-trade at mga patakaran sa palitan.

Ano Ang Mga Maker at Taker?

Pinagtutugma ng mga marketplace ang mga buy at sell order sa mga order book. Ang maker at taker system ay isang paraan ng pag-uuri ng mga order na ito para malaman ang trading fee. Ang maker at taker ay sinisingil ng iba't ibang fee ayon sa kanilang idinadagdag sa order book o kinukuha mula rito.

Ang terminong “maker” ay tumutukoy sa market maker, na nagbibigay ng liquidity sa market. Halimbawa, ang market ay nagdadagdag ng market depth ng order book, na madalas ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga limit order na hindi agad naitutugma. Ang mga ganitong order ay nabibigay sa ibang trader ng oportunidad na makipag-trade sa kanila. Ang mga market maker ay nagbabayad ng mas mababang fee kaysa sa mga taker, at sa ilang pagkakataon ay nakakakuha ng mga rebate. Halimbawa, ang Bybit ay nag-aalok ng Market Maker Incentive Program para sa mga trader na hanggang 0.015% sa maker fee rebate.

Sa kabaliktaran, tinatanggal ng “mga taker” ang liquidity mula sa market. Inilalagay nila ang mga market order para makakuha agad ng liquidity sa mga order book. Kapag naglagay kayo ng order na agad na napunan, kayo ay isang taker — kaya magbabayad kayo ng fee.

Mga Actor 

Sa loob ng anumang crypto exchange, ang mga trader ay umaakto alinman sa mga maker o taker. Ang mga maker ay nagbibigay ng liquidity at nagdaragdag ng market depth ng order book habang ang mga taker ay naghahanap at nagtatanggal ng liquidity sa order book.

Mga factor 

Pagdating sa pagtukoy kung ito ang order ay maituturing o hindi maituturing na “maker” o “taker”, ang susi ay nakasalalay sa agarang pagpupuno ng mga order. Ang Mga Market Order ay laging isinasagawa bilang mga taker order pero ang Mga Limit Order ay maaaring isagawa bilang mga maker o taker order. Hindi masasabi na ang mga Limit Order ay likas na espesyal. Sila lamang ang tanging uri ng order na hindi nagti-trigger sa agarang pagbili o pagbebenta; ang Market Order ay agaran. 

Maker

Taker

Nagbibigay ng liquidity sa mga order book

Nagtatanggal ng liquidity mula sa mga order book 

Hindi agad napupuno 

Agad napupuno 

Derivatives Fee ng Bybit: 0.01%

Derivatives Fee ng Bybit: 0.06%

(Regular) Spot Fee ng Bybit: 0.10%

(Regular) Spot Fee ng Bybit: 0.10%

(Promotion) Spot Fee: 0% para sa lahat ng Spot trading pair

(Promotion) Spot Fee: 0% para sa lahat ng Spot trading pair

Tip: Sa Bybit, maaari ninyong paganahin ang post-only feature para masiguro na ang mga limit order ay isinasagawa lamang bilang mga maker order.

Paano Gumagana Ang Mga Trading Fee ng Bybit?

Ang Bybit ay mayroong fee structure na sulit sa presyo na angkop para sa mga trader. Ang bagong lunsad na VIP program ay magsasaayos ng umiiral na trading fee rate para sa spot at derivatives market, kung saan ang mga trader ay may karapatan lamang sa mga benepisyo mula sa VIP o Bybit Loyalty program.

Ang breakdown ay ang mga sumusunod:

Spot Trading

Perpetual at Futures Trading

VIP Level

Rate ng Taker Fee

Maker Fee Rate

Rate ng Taker Fee

Maker Fee Rate

Hindi VIP

0.10%

0.10%

0.06%

0.01%

VIP 1

0.06%

0.04%

0.05%

0.006%

VIP 2

0.05%

0.02%

0.045%

0.004%

VIP 3

0.04%

0.01%

0.0425%

0.002%

Pro 1

0.03%

0%

0.04%

0%

Pro 2

0.025%

0%

0.035%

0%

Pro 3

0.02%

0%

0.03%

0%

Binago noong Marso 1, 2022

Mas mataas ang inyong tier, mas mababa ang trading fee rate na kwalipikado para sa inyo — ang aming taker fee ay mas bababa pa sa 0.03% para sa derivatives at 0.02% para sa spot trading.

Tandaan: Ang pagsasaayos ng bayad sa spot, perpetual at futures trading ay magsisimula mula Marso 11, 2022 2:30PM PHT. Gayunpaman, ang binagong singil ay magkakaroon ng bisa sa lahat ng symbol para sa mga instrumento ng derivatives simula 2PM PHT sa Marso 18, 2022. Anumang umiiral na fee discount ay mawawalan ng bisa pagkatapos ng panahong ito. Tandaan na maaaring tumagal nang hanggang 60 minuto para makita ang bagong rates sa inyong account sa Marso 18, 2022.

Mula 3PM PHT sa Marso 19, 2022 at sa susunod pa, ang VIP level ay ia-update sa ganap na 3PM PHT sa susunod na araw at ang fee rate ay ipapakita sa inyong account sa loob ng limang minuto pagkatapos ng update ng VIP level.  Ang mga bagong spot trading fee ay magiging epektibo mula 3PM PHT sa Marso 18, 2022.

Mga Maker Taker Fee ng Bybit

Pinag-iiba-iba ng Bybit ang maker at taker fee depende kung gaano kabilis mapuno ang order. Ang mga Market Order na binibili o ibinibenta sa pinakamagandang halaga sa market ay isinasagawa agad at gayundin sa taker order. 

Sa kabaliktaran, ang mga Limit Order ay inilalagay sa presyo na paunang tinukoy, at isinasagawa ang mga iyon kapag ang presyo ay parehas, mas mas maganda sa limit. Ang mga Limit Order ay maaaring uriin bilang maker o taker order, depende kapag napunan ang mga ito.

  • Taker Fee: Order Value × Taker Fee Rate

  • Maker Fee: Order Value × Maker Fee Rate

Hindi VIP

Maker Fee

Taker Fee

Mga Spot Trading Pair

0.10%

0.10%

Mga Derivatives Contract

0.01%

0.06%

Ang order value ay depende sa dami ng kontrata at presyo. Ang pagkalkula nito ay depende sa inyong trading spot, linear contract, perpetual contract o inverse contract, na ipapaliwanag namin sa ibaba.

Pagkalkula sa Mga Trading Fee ng Bybit

Formula:

Trading Fee = Napunong Dami ng Order x Trading Fee Rate

Kung ang kasalukuyang presyo ng BTC ay $40,000. Ang mga trader ay pwedeng bumili o magbenta ng 0.5 BTC na may 20,000 USDT.

  • Si Trader A ay bumili ng 0.5 BTC gamit ang Market Order sa USDT.

  • Si Trader B ay bumili ng 20,000 USDT gamit ang Limit Order sa BTC.

  • Ang Taker Fee para kay Trader A ay = 0.5 x 0.10% = 0.0005 BTC

  • Ang Maker Fee para kay Trader B ay = 20,000 x 0.10%= 20 USDT

Pagkatapos mapunan ang order:

Si Trader A ay bumili ng 0.5 BTC nam ay Market Order, kaya si Trader A ay nagbayad ng taker fee na 0.0005 BTC. Kaya, si Trader A ay tatanggap ng 0.4995 BTC.

Si Trader B ay bumili ng 20,000 USDT na may Limit Order, at ipinataw ang 0.1% ng maker fee. Kaya, si Trader B ay tatanggap ng 19,980 USDT.

Paghahambing na Cross-Platform sa Mga Spot Trading Fee

*Mga Entry Level Account

Palitan

Maker Fee Rate

Rate ng Taker Fee

Naipon na Net Fee sa Platform

Bybit (Hindi VIP)

0.10%

0.10%

0.20%

OKX

0.08%

0.10%

0.18%

Binance(VIP 0)

0.10%

0.10%

0.20%

Huobi

0.20%

0.20%

0.40%

Kraken

0.16%

0.26%

0.42%

Gemini

0.25%

0.35%

0.60%

Coinbase

0.50%

0.50%

1.00%

Bitstamp

0.50%

0.50%

1.00%

Source: Mga opisyal na figure mula sa bawat palitan ng crypto simula noong Marso 1, 2021.

Tandaan:

– Ang trading fee unit na siningil ay batay sa biniling cryptocurrency.

– Walang trading fee para sa hindi napunong bahagi ng mga order at kinanselang order.

Derivatives Trading Maker & Taker Fee ng Bybit

Perpetual at Futures Contract

Hindi VIP

Maker Fee

Taker Fee

Mga Panuntunan ng Inverse Futures Contract 

0.01%

0.06%

Inverse Futures

0.01%

0.06%

Paghahambing na Cross-Platform sa Perpetual Contracts Fee

*Mga Entry Level Account

Platform

Maker Fee Rate

Rate ng Taker Fee

Naipon na Net Fee sa pamamagitan ng Platform

Bybit

0.01%

0.06%

0.07%

BitMEX

-0.025%

0.075%

0.05%

Binance

0.02%

0.04%

0.06%

Huobi

0.02%

0.04%

0.06%

Kraken

0.02%

0.05%

0.07%

OKX

0.02%

0.05%

0.07%

FTX

0.02%

0.07%

0.09%

Source: Mga opisyal na figure mula sa bawat palitan imula noong Marso 1, 2021

Pagkalkula sa mga Derivatives Trading Fee ng Bybit

Formula:

Trading Fee = Order Value × Trading Fee Rate

Halaga ng Order = Dami / Ipinatupad na Presyo

Halimbawa, si Trader A ay bumili ng 10,000 BTCUSD contract gamit ang Market Order. Si Trader b ay nagbenta ng BTCUSD contract gamit ang Limit Order. Kung ang kasalukuyang ipinatutupad na presyo ay $40,000:

  • Ang Taker fee para kay trader A ay = 10,000/40,000 × 0.06% = 0.00015 BTC

  • Ang Maker para kay trader B ay = 10,000/40,000 × 0.01% = 0.000025 BTC

Sa oras ng pagpapatupad, si Trader A ay magbabayad ng taker fee na 0.00015 BTC. Si Trader B ay magbabayad ng maker fee na 0.000025 BTC.

Karagdagan pa sa mga pagbabago, ang Bybit ay mag-aalok ng Market Maker Incentive Program para makakuha nang hanggang -0.015% ng maker fee rebate. Ang taker fee rate ay tutukuyin pa rin sa pamamagitan ng kani-kanilang VIP level para sa mga market maker. Pakitingnan ang Institutional Services para sa requirement at paraan ng aplikasyon. 

Mga Deposit at Withdrawal Fee ng Bybitt 

Simula noong Set. 2021, walang mga deposit fee kapag nagti-trade ng crypto sa Bybit. Gayunpaman, sisingil ng withdrawal fee depende sa mga cryptocurrency na inyong wini-withdraw. 

Ang mga withdrawal fee na ito ay tumutukoy sa miner o network fee, na naiiba sa bawat cryptocurrency. Ang mga fee ay ipinapakita sa sumusunod na table:

BTC

ETH

XRP

EOS

USDT (ERC20)

USDT (TRC20)

DOGE

DOT

LTC

XLM

Withdrawal Fee

0.0005

0.005

0.25

0.1

10

1

5

0.1

0.001

0.02

Walang kinakailangang minimum na deposito, kahit na mayroong minimum na halaga ng withdrawal.

BTC

ETH

XRP

EOS

USDT (ERC20)

USDT (TRC20)

DOGE

DOT

LTC

XLM

Halaga ng Withdrawal

0.001

0.02

20

0.20

20

10

25

1.50

0.10

8

Tandaan:

Maaaring tingnan ng mga trader ang mimimum withdrawal at ang detalye ng babayartan sa mga withdrawal window. Alamin dito kung paano magwithdraw ng crypto sa Bybit

Mga Leverage Fee

Ang leverage ay ang aksyon ng pagpapautang ng asset gamit ang hinirap na kapital. Ito ay isang diskarte ng pamumuhunan na ginamit upang mapalaki ang kita sa kapital. Epektibo ring nagagamit ng mga namumuhunan ang leverage para maparami ang kanilang kakayahan sa pagbili sa market na may kayuning mapalaki ang kita. 

Ang Bybit ay nag-aalok nang hanggang 100x leverage at nangangailangan ng paglalagay ng initial margin at maintenance margin.

Si Trader A ay naglagay ng halagang 100 USDT ng order ay magbabayad ng trading fee na 100×0.06% (batay sa dami at presyo na kanilang inilagay sa order confirmation window.) Pinalalaki ng leverage ang inyong trading fee. Kapag gumamit kayo ng 2× leverage, ang inyong trading fee ay madadagdagan ng 2×. Halimbawa, naglagay kayo ng order ng 100 USDT sa 2× leverage, kailangan ninyong magbayad ng 0.06% sa  halaga ng 200 USDT sa halip na 100 USDT. 

Mga Funding Fee ng Bybit

Tinitiyak ng funding fee na ang huling traded price ay naka-angkla sa pandaigdigang presyo ng spot, na katulad ng ipinataw na interes sa spot margin trading. Ang Bybit ay nagbibigay ng tiyak na rules para sa mga funding fee, tulad ng mga sumusunod: 

  • Kapag positibo ang funding rate, ang mga long position holder ay magbabayad sa mga short position holder. Kapag negatibo ang funding rate, ang mga short position holder ay magbabayad sa mga long position holder. 

  • Magbabayad lamang ang mga trader o tatanggap ng funding fee kada 8 oras kapag may hawak sila ng position sa ganap na 24:00 PHT, 08:00 PHT at 16:00 PHT Tandaan: Hindi lahat ng trading pair ay tatanggap ng standard na 8 oras na funding fee interval. Ang mga trading fee tulad ng XEMUSDT, STXUSDT, EGLDUSDT, ENJUSDT, FLOWUSDT, SLPUSDT ay magkakaroon ng funding interval kada isang oras.