Guides Bybit Trading Bot

10 Dahilan Para Mamuhunan sa mga DCA Trading Bot ng Bybit

Beginner
Bybit Trading Bot
9 sept. 2022

Ang mga Dollar-Cost-Averaging (DCA) bot ay mga automated trading bot na nagpapahintulot sa iyo na awtomatikong bumili ng coins batay sa halaga ng preset investment at agwat ng oras sa loob ng tinukoy na panahon na sa ganitong paraan ay binabawasan ang impluwensiya ng market volatility.

Ano Ang DCA Trading Bot?

Ang DCA trading bot ay isang one-stop platform para sa awtomatikong pagti-trade ng crypto. Ang bot ay nag-aalok ng iba't ibang uri ng mga pre-configured parameter na may epektibong mga estratehiya sa pagti-trade na nakakatipid sa oras at nagpapabuti sa kita sa pamumuhunan nang walang dagdag na gastos.

Paano Gumagana Ang Mga DCA Trading Bot Ng Bybit

Ang mga DCA trading bot ng Bybit tulad ng iminumungkahi ng kanilang pangalan ay mga awtomatikong trading bot na tutulong sa iyo na awtomatikong bumili ng coins. Ang coins ay binibili sa pamamagitan ng paggamit ng halaga ng preset investment at mga agwat ng oras sa loob ng espisipikong panahon. Ang pagbili ng coins gamit ang DCA strategy na ito ay nagbabawas sa impluwensiya ng market volatility, at nagpapahintulot sa iyo na mapanatili ang presyo na katulad sa market average. Ang Bybit ay nagpapahintulot na lumikha ng DCA bot gamit ang isang coin, o isang portfolio na hanggang limang coins.

Ang mga DCA trading bot ng Bybit ay batay sa dollar-cost-averaging strategy, na tutulong sa iyo na gawing katamtaman ang presyo ng iyong coins sa pamamagitan ng pagbili ng tokens sa regular na batayan. Ang DCA trading ay angkop sa mga sumusunod na pamumuhunan: HODLing, long-term investment at smile curving.

Narito ang mga parameter para sa mga DCA trading bot

  • Currency: Ito ang currency na ginamit para bumili ng iyong coins. Sinusuportahan ng Bybit ang pag-invest ng alinman sa USDT o USDC. Tandaan na magagamit lamang ang USDC sa USDC market; hindi ka pwedeng gumawa ng magkahalong portfolio gamit ang ADA/USDT o BTC/USDC, at sa gayundin para sa USDT.

  • Fixed na Halaga ng Investment: Ito ang halagang ginamit para bumili ng cryptocurrency para sa bawat panahon. Ang espisipikong minimum/maximum na dami ng order ay pwedeng makita sa Order Zone

  • Dalas ng Pamumuhunan: Ganito ka mo kadalas gustong mamuhunan sa napiling crypto/portfolio. Ang unang investment ay isasagawa pagkatapos makagawa ng DCA bot. Anuman ang halaga, ang mas mahabang frequency ay angkop sa mas matagal na plano. Ang Bybit ay nagbibigay ng iba’t ibang settings ng agwat ng oras mula sa ilang minuto hanggang sa ilang linggo.
  • Minuto

    (na) Oras

    Araw

    (Na) Lingo

    Agwat ng Oras

    10

    1,4,8,12

    1

    1,2,4

  • Ang max. na halaga ng puhunan (Opsyonal): Ito ang maximum na halaga na gusto mong ipuhunan sa portfolio na ito.

  • Mag-transfer ng lahat ng asset (Opsyonal): Ita-transfer ng bot ang lahat ng hawak na asset sa spot account ng mga user sa oras na ma-trigger ang opsyon na ito. Ang lahat ng ito ay tungkol sa kung ano ang gusto mong gawin sa iyong DCA bot!

Tingnan natin kung paano gumagana ang DCA bot sa pamamagitan ng isang halimbawa.

  • Coins: BTC at ETH

  • Investment Coin: USDT

  • Dalas ng Pamumuhunan: 1 linggo

  • Kabuuang Fixed na Halaga ng Investment: 1,000 USDT

    • Halagang BTC Fixed Investment: 600 USDT

    • Halagang ETH Fixed Investment: 400 USDT

  • Ang max. na halaga ng puhunan (Opsyonal): 5,500 USDT

Ipagpalagay na si Trader A ay namuhunan sa loob ng limang linggo, ayon sa lingguhang dalas ng pamumuhunan, si Trader A ay awtomatikong nagsagawa ng kabuuang limang transaksyon. Ang mga espisipikong detalye ay ang mga sumusunod:

Bumili ng 1

Bumili ng 2

Bumili ng 3

Bumili ng 4

Bumili ng 5

Presyo ng BTC (USDT)

29,000

30,000

31,000

32,000

33,000

Presyo ng ETH (USDT)

1,400

1,500

1,600

1,700

1,800

Dami ng Binili (BTC)

0.02068966

0.02

0.01935484

0.01875

0.01818182

Dami ng Binili (ETH)

0.28571429

0.26667

0.25

0.23529412

0.2222

Tandaan na ang system ay awtomatikong magta-transfer ng kailangang halaga ng pondo mula sa iyong Bybit Spot Account patungo sa iyong Bot Account bago ang bawat pagbili.

Sa panahon ng limang linggong pamumuhunan, ang average na entry price para sa BTC at ETH ay 31,000 USDT at 1,600 USDT, ayon sa pagkakabanggit, batay sa sumusunod na mga pagkalkula:

  • BTC Avg. Ilagay ang Presyo (USDT): (29,000 + 30,000 + 31,000 + 32,000 + 33,000) / 5

  • ETH Avg. Ilagay ang Presyo (USDT): (1,400 + 1,500 + 1,600 + 1,700 + 1,800) / 5

Sa halimbawang ito, si Trader A ay bumili ng 0.09697632 BTC sa average price na 31,000 USDT, at sabay-sabay na bumili ng 1.2598973 ETH sa average na presyo ng 1,600 USDT. Dahil si Trader A ay nagtakda ng pinakamataas na halaga ng pamumuhunan na 5,500 USDT, ang natitirang 500 USDT ay hindi sapat para makapagsimula sa pang-anim na awtomatikong pagbili — dahil sa bawat isahang pamumuhunan ay 1,000 USDT — ang DCA bot ay awtomatikong hihinto pagkatapos ng panglimang awtomatikong pagbili. Kasabay nito, ang BTC at ETH sa DCA bot ay ibabalik sa Spot Account ni Trader A.

Ipagpalagay na si Trader A ay hindi nagtakda ng Maximum na halaga ng pamumuhunan, at ang available na balanse sa Spot Account ay hindi sapat para sa susunod na awtomatikong pagbili, si Trader A ay tatanggap ng notipikasyon ng email para magdeposito ng pondo sa kanilang Spot Account, at masususpende ang DCA bot. Kapag may sapat nang pondo sa Spot Account, ang bot ay mare-reactivate sa susunod na interval ng awtomatikong pagbili.

Tandaan na ang suspensyon ng DCA Bot dahil sa di sapat na pondo ay hindi awtomatikong magsasara nito. Kung gusto mong i-terminate ang iyong DCA Bot, manwal itong isara.

Mga Pakinabang ng Dollar Cost Averaging

Sa pangkalahatan, ang DCA ay kapaki-pakinabang sa sinumang kumpiyansa sa magandang asset. Nagpapahintulot ito sa iyo na bumili sa mababang presyo at bawasan ang gastos mo kapag bumaba ang presyo.

Ang DCA strategy ay tumutulong na mapababa ang panganib ng pamumuhunan sa oras ng paputol-putol na daloy ng mga market. Batay sa iyong market performance kapag bumili ka, ang paggamit ng DCA ay magbabawas sa iyong pagkalugi — o tutulong pa nga para magdagdagan ang iyong kita. Pwede nitong pigilan ang pagbili sa mataas na paresyo at maiwasan ang pagkalugi sa matagal na panahon. Pero habang bumababa ang panganib, gayundin ang pagtaas ng benepisyo. Gayunpaman, kapag ang iyong asset ay bullish at may pangmatagalang time frame para hawakan ito, sulit na isaalang-alang ang dollar cost averaging.

Ngayon, titingnan natin kung bakit pwede mong samantalahin ang mga DCA trading bot ng Bybit para tulungan kang pamahalaan ang mga panganib mo at mabawasan ang gastos sa iyong entry.

Bakit Kailangan Mong Mamuhunan sa Mga Trading Bot ng DCA Sa Bybit

1. Simpleng Pag-set Up

Sa kasalukuyang paputol-putol na kondisyon ng market, parami nang paraming tao ang naghahanap ng paraan para mapasimple ang kanilang proseso ng pamumuhunan. Gamit ang Bybit DCA bot, pwede mong mapadali ang iyong arawan, lingguhan o buwanang pagbili sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroon kang sapat na pondo sa iyong bot account. Hindi mo na kailangang umasa sa pagbasa ng tsart at teknikal na pagsusuri para bumili ng mga paborito mong coins. Kaya bakit hindi samantalahin ang DCA bot para makatipid ng oras at mabawasan ang paulit-ulit na trabaho?

2. Madaling Gamitin na Platform

Ang DCA bot ay dinisenyo para sa sinumang gumagamit. Ang user interface nito ay simple, at ang mga baguhang trader ay pwedeng gumamit ng aming Auto-Fill function para madaling makagawa ng trading bot na may mga preset parameter o customized parameter. Ang mga advanced user ay dapat sumali sa aming komunidad para tumanggap ng pinakabagong market analysis at nirekomendang mga trading strategy.

3. Walang Gastos para Paganahin ang mga Bot

Ang mga Bybit user ay pinapayagang gumamit ng DCA bot nang libre... Nang walang gastos. Ang mga DCA bot ay hindi sumisingil ng karagdagan o nakatagong singil, at mga trading fee batay sa iyong VIP status, na kinakalkula kapag ang iyong mga order ay matagumpay na napunan.

Ang Bybit ay may sulit na anyo ng singil na angkop para sa mga DCA bot user. Basahin ang aming gabay sa mga trading fee ng Bybit para alamin kung paano gumagana ang istrukturang ito.

4. Iba’t ibang Market at mga Crypto Pair

Ang DCA bot ay suportado ng Bybit spot platform para sa USDT at USDC market. Ang mga user ay pwedeng pumili mula sa malawak na pagpipilian ng coins, kabilang ang BTC, ETH, BIT at marami pang iba. Magpunta sa Order page para tingnan ang buong listahan ng coins na suportado ng DCA bot.

5. Tanggalin ang Mga Personal na Emosyon

Tulad ng alam natin, pwedeng maging napaka-emosyonal sa pagti-trade araw-araw, na pinapanood ang pagtaas at pababa ng mga kandila habang nagpapabagu-bago ang presyo. Awtomatiko itong ginagawa ng DCA trading bot ng Bybit para sa iyo sa ilang mabilis na pag-click lamang. Sa pamamagitan ng pag-configure ng ilan sa mga aspekto tulad ng ipinapakita sa itaas, mapapahintulutan mo ang bot na mamuhunan sa tinukoy na halaga sa regular na panahong napili mo. Tinatanggal nito ang emosyonal na aspekto ng trading, dahil pinamamahalaan ng bot ang iyong portfolio. Kapag naubusan ka ng pondo, magpapadala sa iyo ng email ang Bybit para mag-top up para mapagpatuloy ang bot sa pagbili ayon sa paunang tinukoy na mga parameter.

6. Binabawasan ang Paulit-ulit na Trabaho

Sa kasalukuyang kondisyon ng market, parami nang paraming tao ang naghahanap ng paraan para mapasimple ang kanilang proseso ng pamumuhunan. Gamit ang Bybit DCA bot, pwedeng mapadali ng mga user ang kanilang arawan, lingguhan o buwanang pagbili sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroon silang sapat na pondo sa kanilang bot account. Hindi mo na kailangang umasa sa pagbabasa ng tsart at teknikal na pagsusuri para bumili ng mga paborito mong coins — kaya bakit hindi samantalahin ang DCA bot para makatipid ng oras at mabawasan ang paulit-ulit na trabaho?

7. Sabay-sabay na Paggawa ng Maraming Bot

Ang Bybit ay nagbibigay sa mga user ng opsyon na gumawa at magpatakbo ng maraming bot nang magkasabay. Sa kasalukuyan pwede kang magkaroon nang hanggang 50 trading bot nang sabay-sabay — para sa mga DCA bot at Spot Grid bot. Bukod diyan, pwede ka ring gumawa ng maraming DCA bot para sa parehong coin na napili mo. Naglalaan ito ng maraming flexibility para sa mga gusto ng pagbabago, dahil may opsyon para mapagana mo ang hanggang 50 iba’t ibang bot, sakaling kailangan mo.

8. Mamuhunan sa Mas Maliit na Halaga

Sa halip na mamuhunan sa malalaking parte, tinutulungan ka ng DCA na gawin ito sa mas maliliit na bahagi sa matagal na panahon. Mahalagang maintindihan na ang DCA ay isang pangmatagalang estratehiya na nagsasamantala sa mga volatile market nang hindi isinasapanganib ang kapital. Ang DCA ay pwedeng maging pinakamagandang solusyon para sa mga baguhang namumuhunan, na maaaring madaling masiraan ng loob dahil sa biglaang pagbagsak ng ekonomiya. Nagbibigay din ito sa mga user ng oras para gawin ang mas malalim na pananaliksik habang ang DCA bot ay patuloy na namumuhunan para sa mga ito.

9. Mas Mababang Average na Entry Point

Sa DCA bot Bybit, ang mga user ay pwedeng maglagay ng mga price level na hindi nila kayang maabot sa pamamagitan ng manwal na pagti-trade. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtatakda ng espisipikong mga parameter na awtomatikong isinasagawa ng DCA bot nang hindi kailangan pang patuloy na bantayan ang pagbabagu-bago ng presyo. Ang DCA bot ay nagpapahintulot sa iyo na gumawa ng mga order sa ilang mababang entry point, na binabawasanang iyong pangkalahatang presyo ng entry kapag nagtuloy-tuloy pababa ang market. Napakahalaga nito, lalo na kung pangmatagalan ang iyong goal, dahil maaari nitong dagdagan ang iyong mga profit margin sa pamamagitan ng malaking halaga

10. Ang DCA Ay Napatunayang Tatalo sa Timing ng Market

Tinutulungan ng DCA ang mga user na mapababa ang kanilang gastos nang hindi sinusubukan ang pagbili sa pinakamababang presyo. Mahirap para sa mga tao na patuloy na hulaan ang pagtaas at pagbaba ng market. Sa halip na orasan ang market, ang paggamit ng DCA bot ay tutulong sa iyo na patuloy na mamuhunan sa iyong napiling mga cryptocurrency.

Kahit na patuloy na bumababa ang market, basta’t gumagamit ka ng DCA bot, ang Net Value ay magiging mas mataas sa orihinal na pamumuhunan sa habang tumatagal. Ang pinakamagandang pagsasanay sa pagpapagana ng DCA bot ay: Pumili ng mga paborito mong asset, tiyakin na may sapat na pondo, paganahin ang DCA bot, at maging mapaghintay.

Ang Resulta

Ang DCA trading bot ay ang kapaki-pakinabang na tool ng Bybit para sa pangangasiwa sa panganib ng pamumuhunan ng napakalaking pera nang sabay-sabay. Ang DCA trading ay passive at hindi kasama ang anumang mga aktibong management fee. Napakainam nito para sa mga taong gustong kumita at makakuha ng regular na dagdag sa kanilang pamumuhunan. Kung naghahanap kayo ng madaling paraan para bumili ng crypto nang walang stress, para sa inyo ang bot na ito!

bybit dca trading bot sign up