Guides P2P Guides

P2P sa Bybit Trading: Lahat ng Kailangan Mong Malaman

Beginner
P2P Guides
ll

Pag-unawa sa Peer-to-Peer Trading 

Ang Peer-to-Peer (o P2P) trading ay isang porma ng trade kung saan ay direktang nagpapalitan ang mga buyer at seller ng kanilang mga coin at mga fiat asset.

Ano ang Bybit Peer-to-Peer (P2P)?

Ang P2P sa Bybit ay isang madali at ligtas na platform ng peer-to-peer trading. Pinadadali nito ang pagbili at pagbenta ng dalawang user ng mga holding sa isang pinakamainam, napagkasunduang presyo. Pakitandaan na hindi nagbibigay ang Bybit ng mga alok ng pagbili at pagbenta sa P2P page.

Sa kasalukuyan, sinusuportahan ng P2P sa Bybit ang siyam na fiat trading pair: INR/USDT, VND/USDT, AUD/USDT, HKD/USDT, MYR/USDT, PHP/USDT, RUB/USDT, TWD/USDT at UAH/USDT.

Paliwanag sa mga Bayarin sa P2P ng Bybit

Ang istruktura ng bayarin ng P2P trading ay umaayon sa dalawang magkaibang uri: taker at maker.

Nag-aalok ang P2P sa Bybit ng walang-bayad sa transaksyon para sa mga taker at maker. 

*Sasailalim sa pagbabago ang rate

Tandaan:

— Ang taker ay ang user na bumibili o nagbebenta ng mga coin sa pamamagitan ng paglalagay ng order gamit ang umiiral na mga advertisement sa P2P platform. 

— Ang maker ay ang user na na nagpo-post ng mga trade advertisement. 

Upang matuto nang higit pa tungkol sa mga bayarin sa P2P platform, pakisuyong sumangguni sa P2P sa Bybit: Paliwanag sa mga Bayarin.

Paano Magsimula Gamit ang P2P sa Bybit 

Hindi na makapaghintay na pasimulan ang iyong paglalakbay sa P2P trading? Narito ang hakbang-hakbang na gabay para tulungan kang pasimulan ang iyong unang transaksyon ng P2P sa Bybit.

Para sa mga Buyer

Hakbang 1: Pakisuyong mag-click sa Bilihin ang Crypto –> P2P trading sa itaas na kaliwang sulok ng navigation bar para makapasok sa ng P2P trading page. 

Hakbang 2: Sa page ng Bilihin, maaari mong i-filter ang mga advertiser sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong ninanais na criteria para sa Halaga, Mga Fiat Currency o Mga Paraan ng Pagbabayad, batay sa iyong mga pangangailangan sa transaksyon. 

Hakbang 3: Piliin ang iyong gustong advertisement, at mag-click sa Bilihin ang USDT. 

Hakbang 4: Ilagay ang halaga ng fiat currency na gusto mong ibayad, o ang halaga ng mga coin na gusto mong matanggap. Mag-click sa Bilihin para magpatuloy. 

Mare-redirect ka sa order page, kung saan magkakaroon ka ng 15 minuto para i-transfer ang pera sa bank account ng seller. Tandaan: Pakisuyong i-verify na tama ang lahat ng detalye ng order bago magpatuloy. 

Hakbang 5: Mag-click sa Nakumpleto ang Pagbabayad sa sandaling makumpleto mo ang pagbabayad. 

Hakbang 6: 

a. Sa sandaling matagumpay na naipadala ng seller ang mga binili mong coin, maaari kang mag-click sa Suriin ang Asset upang tingnan ang mga ito, kasama ang iyong kasaysayan ng transaksyon. Maaari mo ring suriin ang status ng iyong order mula sa kasaysayan ng order ng P2P. 

Bilihin ang Walang-bayad sa Transaksyon ng Crypto sa pamamagitan ng Bybit P2P

b. Kapag nabigong magpadala ng mga coin ang seller sa loob ng 10 minuto, maaari kang mag-click sa Magsumite ng Apela. 

Makikipag-ugnayan sa iyo ang aming customer support team. Sa panahong ito, pakisuyong huwag ikansela ang order maliban kung natanggap mo na ang refund mula sa seller.

Para sa mga Seller

Hakbang 1: Pakisuyong mag-click sa Bilihin ang Crypto –> P2P trading sa itaas na kaliwang sulok ng navigation bar para makapasok sa ng P2P trading page. 

Hakbang 2: Sa page ng Ibenta, maaari mong i-filter ang mga advertiser sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong ninanais na criteria para sa Halaga, Mga Fiat Currency o Mga Paraan ng Pagbabayad, batay sa iyong mga pangangailangan sa transaksyon. 

Hakbang 3: Piliin ang iyong gustong advertisement, at mag-click sa Ibenta ang USDT. 

Hakbang 4:

a. Ilagay ang halaga ng USDT na gusto mong ibenta, o ang halaga ng fiat currency na gusto mong matanggap. Mag-click sa Ibenta para magpatuloy. 

Hakbang 5: Sa panahon ng nakabinbing proseso, magkakaroon ang buyer ng 15 minuto para kumpletuhin ang pagbabayad. 

Hakbang 6: 

a. Sa sandaling matagumpay mong matanggap ang kabayaran mula sa buyer, mag-click sa Ipadala Ngayon para ipadala ang iyong mga coin.

Paano Kung Nabigo ang Transaksyon?

Nabigo ang transaksyon kung:

1) Kung hindi kinumpleto ng buyer ang pagbabayad sa loob ng 15 minuto, awtomatikong makakansela ang order. Ang mga nareserbang coin sa P2P platform ay awtomatiko ring mababalik sa iyong Spot Account.

2) Kung na-notify ka na nakumpleto na ang pagbabayad, ngunit hindi pa natatanggap ang kabayaran pagkatapos ng 10 minuto, maaari kang mag-click sa Magsumite ng Apela. Makikipag-ugnayan sa iyo ang aming customer support team.

Para sa higit pang detalye kung paano bumili o magbenta, pakisuyong sumangguni sa mga sumusunod na artikulo:

1. Paano Bumili ng mga Coin sa P2P

2. Paano Magbenta ng mga Coin P2P

Pwede Ba Akong Mag-trade Nang Walang KYC?

Depende ito sa halaga ng iyong trade. Sa sandaling lumampas ang halaga ng transaksyon sa arawang limit, kakailanganin ang pag-verify sa ientity.

Pakisuyong sumangguni sa mga sumusunod na talahanayan para sa mga detalye:

Hindi kabilang ang mga advertiser. Kinakailangan ang pag-verify ng KYC sa mga advertiser.

Bilang buyer, kapag lumampas ang arawang halaga ng gtransaksyon sa limit na tinukoy sa talahanayan sa itaas, kinakailangan mong kumpletuhin ang pag-verify ng KYC.

Magpatuloy lamang sa mga sumusunod na hakbang:

1. Mag-click sa Account at Seguridad sa itaas na kanang sulok ng page.

2. Mag-click sa I-verify Ngayon na nasa hanay ng Pag-verify sa Identity sa ilalim ng Impormasyon ng Account.

3. Mag-click sa I-verify Ngayon sa ilalim ng Level 1 Karaniwang Pag-verify.

O pwede kang mag-click dito para kumpletuhin ang pag-verify. 

Para matuto pa tungkol sa proseso ng pag-verify ng KYC, pakisuyong sumangguni saFAQ sa Individual KYC.

Nasa Bybit Safe ba ang P2P?

Sa sandaling maisumite na ang buy order, marereserba ang halaga ng tinukoy na coin sa P2P platform. Nangangahulugan ito na kapag hindi ipinadala ng seller ang coin sa loob ng 10 minuto pagkatapos na matanggap ang kabayaran, may karapatan ang aming customer support na ipadala ang coin sa buyer mula sa mga nakareserbang pondo pagkatapos ng pag-verify.

Kung isa kang seller, pakisiguraduhing natanggap mo na ang mga pondo mula sa buyer bago ang pagpapadala ng iyong mga coin.

Mga Tatandaan Kapag Nagte-trade ng P2P sa Bybit

Nag-aalok ang P2P sa Bybit ng walang-bayad sa transaksyon para sa parehong buyer at seller. Sinusuportahan namin ang mahigit 350 paraan ng pagbabayad, kabilang ang mga debit card, credit card, personal na pagbabayad ng cash, at marami pa.

Ganunpaman, maaaring kailanganin ng mga trader na magbayad ng bayarin sa transaksyon sa payment provider batay sa piniling paraan ng pagbabayad.Â