Guides P2P Guides

Paano Gumagana Ang P2P Platform ng Bybit?

Beginner
P2P Guides
21 Jan 2022

Ano Ang P2P sa Bybit Trading?

Ang serbisyo sa pagte-trade ng P2P ng Bybit ay isang madali at ligtas na platform sa peer-to-peer trading. Pinadadali nito ang pagbili at pagbenta ng dalawang user ng mga holding sa isang pinakamainam, napagkasunduang presyo. Pakitandaan na hindi nagbibigay ang Bybit ng mga alok ng pagbili at pagbenta sa P2P page.

Sa kasalukuyan, sinusuportahan ng P2P sa Bybit 46 na fiat trading pair.

Paano Gumagana Ang P2P Platform ng Bybit?

Pagdaragdag ng Paraan ng Pagbayad

Narito ang paraan kung paano ka madaling makakapagdagdag ng paraan ng pagbabayad.

Hakbang 1: Pakisuyong mag-click sa Bilihin ang Crypto –> P2P Trading sa kaliwang panig ng navigation bar para makapasok sa page ng P2P trading. 

Hakbang 2: Mag-click sa User Center ng P2P sa kanang itaas na sulok para makapasok sa iyong profile.

Hakbang 3: Mag-click sa Magdagdag Ngayon sa ilalim ng Paraan ng Pagbabayad.

Hakbang 4: Piliin ang iyong paraan ng pagbabayad sa pop-up window at ilagay ang kinakailangang impormasyon.

Tandaan:

— Tinatanggap lamang P2P sa Bybit ang account sa pagbabayad na may kaparehong pangalan sa iyong pag-verify sa identity.

Hakbang 5: Tiyakin na ang mga detalye na iyong inilagay ay tama, at pagkatapos ay mag-click sa Kumpirmahin.

Natapos mo na!

Tandaan:

— Sa kasalukuyan, kung isang lang paraan ng pagbabayad ang idinagdag, hindi suportado ang pagtatanggal.

— Hanggang tatlong paraan ng pagbabayad ang ipakikita sa counterparty. Maaaring i-enable ng mga user ang piniling paraan ng pagbabayad, na kung saan ay ipinakikita sa ilalim ng Paraan ng Pagbabayad sa User Center ng P2P. 

Mga Alituntunin sa Transaksyon ng P2P User ng Bybit

Para sa mga P2P user, pakisiguraduhin na ang account sa pagbabayad ay ibinibigay nang kapareho ang pangalan gaya ng nasa iyong pag-verify sa identity.

Upang matuto pa tungkol sa mga alituntunin ng transaksyon ng P2P, pakisuyong sumagguni sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng User.

P2P sa Escrow System

Sa sandaling maisumite na ang buy order, marereserba ang halaga ng tinukoy na coin sa P2P platform. Nangangahulugan ito na kapag hindi ipinadala ng seller ang coin sa loob ng 10 minuto pagkatapos na matanggap ang kabayaran, may karapatan ang aming customer support na ipadala ang coin sa buyer mula sa mga nakareserbang pondo pagkatapos ng pag-verify.

Kung isa kang seller, pakisiguraduhing natanggap mo na ang mga pondo mula sa buyer bago ang pagpapadala ng iyong mga coin.

Mga Sinusuportahang Currency

Bilang isang trader, maaari ka na ngayong bumili at magbenta ng USDT gamit ang iyong fiat currency. Sa kasalukuyan, sinusuportahan ng namin ang 46 na fiat currency.

Bilihin ang Walang-bayad sa Transaksyon ng Crypto sa pamamagitan ng Serbisyo sa Pagte-trade ng P2P ng Bybit

Paano Gumagana Ang P2P Platform ng Bybit para sa mga Advertiser?

Pag-post ng Ad sa P2P sa Bybit

Narito ang detalyadong hakbang-hakbang na gabay kung paano ka — bilang isang advertiser — makakapag-post ng iyong unang advertisement sa P2P sa Bybit.

Hakbang 1: Pakisuyong mag-click sa Bilihin ang Crypto –> P2P Trading sa itaas na kaliwang sulok ng navigation bar para makapasok sa page ng P2P trading. 

Hakbang 2: Sa itaas na kanang sulok ng page ng P2P trading, mag-click sa Mga Ad –> I-post ang Mga Ad Ko.

Hakbang 3: Maaari kang lumikha ng iyong ninanais na advertisement sa pamamagitan ng pagko-configure ng mga sumusunod na hakbang: 

  • Type

a. Piliin ang advertisement type: Buy o Sell. 

b. Piliin ang iyong gustong fiat currency.

  • Mga Setting ng Presyo

  1. Ilagay ang alinman sa Fixed Price o Floating Price

  2. Ilagay ang presyo (kada USDT) o ang premium na nais mong ialok

Ang alok na fixed price ay hindi magbabagu-bago batay sa mga galaw ng market, kung saan ang alok na floating price ay kinakalkula sa pmamagitan ng pagmu-multiply ng premium at ng reference price. 

  • Mga Setting ng Transaksyon

  1. Ilagay ang kabuuang kantidad na gusto mong i-trade.

  2. Ilagay ang minimum na halaga ng transaksyon kada ad.

  3. Ilagay ang maximum na halaga ng transaksyon kada ad.

  • Mga Kinakailangan para sa Counterparty

a. Piliin ang Walang Mga Kinakailangan o Kinakailangan Ang Pag-verify ng Identity para sa mga buyer/seller na gusto mong maka-trade.

Pahihintulutan ka ng setting na ito na masala ang mas maaasahang mga counterparty lamang, ngunit maaari ring mapababa ang antas ng pag-expose na makukuha ng iyong mga advertisement.

Mga Tatandaan:

Mag-iwan ng kahit anong remark para sa iyong mga maaaring buyer o seller.

  • Paraan ng Pagbabayad

 Mag-click sa Bagong Paraan ng Pagbabayad –> Magdagdag Ngayon, ang mada-direct ka sa User Center ng P2P para idagdag ang iyong paraan ng pagbabayad.

Malapit ka nang matapos!

  • Ad na Dapat I-post

a. Kumpirmahin na wasto ang lahat ng impormasyong inilagay mo sa iyong advertisement. 

b. Mag-click para tanggapin ang kasunduan.

c. Mag-click sa I-post Ang Mga Ad Ko.

  • Pag-verify sa Seguridad

a. Ilagay ang 6-digit na 2FA security code ng Google Authenticator (sa pamamagitan ng iyong Google Authenticator app).

b. Mag-click sa Kumpirahin.

Kasunod, mare-redirect ka sa page ng Aktibo sa ilalim ng Mga Ad Ko para maaari mong tingnan ang mga detalye ng iyong advertisement.

Congratulations! Matagumpay nang nai-post ngayon ang iyong ad.

Mga Kinakailangan sa KYC

Bilang isang advertiser, kinakailangan mong kumpletuhin ang pag-verify ng KYC bago ang pagpo-post ng iyong ad.

Magpatuloy lamang sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:

1. Mag-click sa Account at Seguridad sa itaas na kanang sulok ng page.

2. Mag-click sa I-verify Ngayon sa hanay ng Pag-verify ng Identity sa ilalim ng Impormasyon ng Account.

3. Mag-click sa I-verify Ngayon sa ilalim ng Level 1 Karaniwang Pag-verify.

O pwede kang mag-click dito para kumpletuhin ang pag-verify. 

Para matuto pa tungkol sa proseso ng pag-verify ng KYC, pakisuyong sumangguni saFAQ sa Individual KYC.

Mga Dahilan para Mag-trade ng P2P sa Bybit 

Pinahihintulutan ka ng P2P sa Bybit na i-convert ang mga fiat currency sa mga coin — nang baligtaran — nang libre. 

Maaari mong i-list ang mga advertisement — Bumili o Magbenta — para mag-trade sa iba pang mga buyer at seller, na may mapagpipiliang mahigit sa 350 magagamit na mga paraan ng pagbabayad, kabilang ang mga debit card, credit card, personal na pagbabayad ng cash, at marami pa.