Guides P2P Guides

Paano Kumita ng Pera Gamit Ang P2P Trading sa Bybit

Intermediate
P2P Guides
Aug 25, 2022

Ang pseudo-anonymity, mabilis na transaksyon at 24/7 trading ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit ang mga cryptocurrency trading ay naging popular sa loob ng ilang taon. Pero karamihan sa mga tao na bumibili at nagbebenta ng mga cryptocurrency ay pwedeng matakot. Ang Spot trading at derivatives ay maaaring pag-isipan kapag pinag-iisipan namin ang tungkol sa trading cryptocurrency; gayunpaman, may ilang napakadaling paraan para mag-trade ng crypto at kumita ng pera kung hindi mo titingnang mabuti ang mga kumplikadong tsart sa buong araw. Isang halimbawa ay ang peer-to-peer (P2P) trading.

Ano Ang P2P Trading?

Ang P2P trading ay dalawang indibidwal na nagti-trade ng cryptocurrency nang direkta sa isa’t isa nang walang tagapamagitan o third party. Kapaki-pakinabang ito sa parehong partido dahil nakakapili sila ng kanilang napiling paraan ng pagbabayad at presyo kung saan napagkasunduan ng parehong partido. Ang uring ito ng trading ay tumutukoy din sa over-the-counter (OTC) trading.

Dahil pwede kang mag-trade nang direkta sa ibang tao gamit ang alinman sa OTC o P2P trading, mai-enjoy mo ang pinakamabilis na transaksyon na may privacy kahit habang nagti-trade sa centralized exchanges (CEXs).

5 Paraan para Kumita ng Pera Gamit ang P2P Trading

Ang Peer-to-peer trading ay ang napakagandang paraan para mamuhunan sa mga cryptocurrency market. Hindi ka lamang nito pinapayagan na direktang bumili o magbenta ng cryptocurrency sa ibang tao, kundi nagpapahintulot din ito sa iyo na iwasan ang ilang transaction fee gamit ang mga tradisyonal na palitan. Narito ang limang paraan para kumita ng pera gamit ang P2P trading.

1. Crypto Arbitrage Trading

Ang Arbitrage trading ay isang strategy sa pagtititrade na kumikita na nagsasamantala sa deperensiya ng presyo ng parehong cryptocurrency sa iba’t ibang palitan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagbili at pagbebenta ng parehong asset para kumita mula sa deperensiya ng presyo.

Ang P2P trading ay nagbibigay ng maraming oportunidad para sa mga arbitrageur, dahil madalas ay may malaking pagkakaiba ng presyo sa pagitan ng mga palitan. Gamit ang P2P trading para bumili at magbenta ng mga crypto asset, pwede mong samantalahin ang mga deperensiyang ito at kumita.

Itinuturing ito na walang panganib dahil ang arbitrageur ay hindi nagsasagawa ng direksyonal na mga panganib sa merkado kapag pumapasok sa mga trade. Gayunpaman, dapat silang magsagawa ng mga trade agad, o sa lalong madaling panahon, dahil ang mga oportunidad ng arbitrage ay agad nagsasara.

Halimbawa, kapag ang Bitcoin ay nagbenta ng $11,000 sa isang palitan at ang $11,200 sa iba pa, pwede mo itong bilhin sa unang palitan, at magbenta agad sa pangalawang palitan para sa kita.

2. Arbitrage Gamit ang Fiat

Ang P2P trading ay nagbibigay din ng mga oportunidad sa arbitrage gamit ang fiat money. Sa mahigit 30 fiat currency na mapagpipilian mula sa Bybit, marami kang tsansang samantalahin ang deperensiya ng presyo sa pagitan ng bawat fiat currency. Pero una, kailangan mong gumawa ng kaunting pagsasaliksik at ilang pagkalkula bago bumili. Nasa ibaba ang isang halimbawa kung paano ka makikinabang sa deperensiya ng presyo.

Pagti-trade (BTC/USD)

Kapag ang buy price ay $21,328 (30,926 AUD) at ang sell price ay $20,872 (30,265 AUD), mawawalan ka ng $456 (sell price − buy price).

Pagti-trade (BTC/AUD)

Kapag ang buy price ay 28,796 AUD ($19,852) at ang sell price ay 29,174 AUD ($20,112), makakagawa ka ng kita na 378 AUD (sell price − buy price).

Kapag bumili ka at nagbenta ka lang sa U.S. Market, malulugi ka kumpara sa pagti-trade sa Australian market. Pero kung nagmamay-ari ka ng multicurrency bank account, pwede kang bumili ng BTC sa AUD market sa 28,796 AUD, at pagkatapos ay ibebenta ito sa USD market sa halagang $20,872 (30,265 AUD), at kikita ng kahit mas mataas na kita na 1,496 AUD (30,265 AUD − 28,796 AUD).

3. Ads sa Pagbili at Pagbebenta

Ang paraan na ito ay nagpapahintulot sa iyo na magpost ng ad sa P2P trading platform, na ipinahahayag ang asset na gusto mong bilhin o ibenta, at ang presyo na handa mong bayaran o ibenta. Pagkatapos ang iyong ad ay ipo-post at makikita ito ng ibang mga user ng platform, magpapasya sila kung gusto nilang makipag-trade sa iyo.

Kapag may isa pang P2P user na nagpasyang makipag-trade sa iyo, papadalhan ka nila ng trade request. Kapag natanggap mo na ang request, pwede na ninyong kumpletuhin na dalawa ang trade.

Ang isang napakagandang paraan para maabot ang mas malawak na base ng customer ay sa pamamagitan ng pagtatakda ng mas mababang presyo kaysa sa kasalukuyang market price. Pwede mo ring piliin na magtakda ng mas mataas na presyo para kumita ng mas malaki ang kitain.

4. Kumita ng Mga Komisyon sa Patalastas

Source: Bybit.com

Sa Bybit, pwede ka ring kumita ng pera sa pamamagitan ng pagiging P2P merchant at kumita ng komisyon sa pagpapatalastas kada dalawang linggo. Para maging isang merchant, kailangan mo lang gumawa ng account sa Bybit at pagkatapos ay magpost nang kahit man lang dalawang ad, kabilang ang isa na nagbebenta nang hindi bababa sa 300 USDT.

Kung itinuturing ka na isang kwalipikadong merchant at natutugunan ang lahat ng requirements tulad ng pagiging online na hindi bababa sa 50 oras kada linggo, kikita ka ng lingguhang komisyon na 200 USDT. At kapag naglista ka ng ads para sa dalawang magkaibang fiat currency, kikita ka ng dalawang beses na komisyon — 400 USDT!

5. Kumita ng mga Insentibo sa Merchant

Source: Bybit.com

Bilang isang top-ranking merchant sa Bybit, maaari kang kumita nang hanggang 150 USDT kada fiat currency bawat linggo! Para maging kwalipikado, kailangan mong matugunan ang ilang requirements at mapabilang sa mga nangungunang tatlong merchant sa kabuuang benta ng USDT.

Kumita pa sa Bybit P2P Trading ngayon!

Mga Pakinabang ng P2P Trading sa Bybit

Ang Bybit ay ang palitan ng cryptocurrency na nag-aalok ng mga serbisyo sa pagti-trade ng P2P, na nangangahulugan na nagpapahintulot ito sa mga user na magtrade nang direta sa isa’t isa nang hindi kailangan ng third party o iba pang tagapamagitan. Ang mga P2P user ay pwedeng mag-trade ng mga crypto nang mas mabilis, mas mura at mas epektibo.

Kaya, kung gusto mong mag-trade ng mga crypto at kumita ng pera, ang P2P trading sa Bybit ay isang napakahusay na opsyon. Narito ang dahilan.

Bumili at Magbenta Ng Walang Bayad

Hindi sumisingil ng anuman ang Bybit para sa pagbili o pagbebenta ng Crypto sa P2P platform nito. Gayunpaman, batay sa paraan ng pagbabayad na napili, maaaring kailanganin ng mga trader na magbayad ng transaction fee sa payment provider.

Maraming Paraan ng Pagbabayad

Sinusuportahan ng Bybit ang mahigit 300 paraan ng pagbabayad, kabilang ang mga bank transfer, credit/debit card at e-wallet. Pinadadali nito para sa mga user na magdeposito at magwithdraw ng pondo mula sa platform sa kanilang napiling paraan.

Low Barriers to Entry

Ang Bybit ay may low barriers to entry, ang ibig sabihin, madali para sa sinuman na magsimula ng trade sa platform dahil wala kang sapat na pera. Ang totoo, pwede kang magsimula ng trading sa halagang $2!

Top-Notch Security

Siniseryoso ng Bybit ang seguridad at nagbibigay ng maraming player ng proteksyon para sa kaligtasan ng pondo ng user. Unang-una, ang lahat ng advertiser ay kailangang kumpletuhin ang KYC verification. Pangalawa, kung ang trade mo ay lumampas sa tiyak na limit ng transaksyon, kailangan mo ring magsumite ng mga detalye ng KYC para sa verification.

Karagdagan pa, ang Bybit ay nagbibigay ng serbisyo ng escrow para i-hold ang pondo ng user sakaling may panlilinlang o malfunction sa platform. Kapag hindi ni-release ng seller ang coin sa loob ng 10 minuto pagkatapos matanggap ang bayad, karapatan ng customer support ng Bybit na i-release ang coin mula sa nakareserbang pondo sa buyer pagtapos ng verification.

Ang lahat ng hakbang na ito ay ginagamit para magbigay sa mga user ng ligtas at siguradong kapaligiran sa pagti-trade.

Customer Support

Ang Bybit ay nag-aalok ng 24/7 multilingual na customer support para tulungan ang mga user, sa pamamagitan ng email at telepono, sa anumang mga isyu o tanong. Ang website ay may malawak na seksyon ng FAQ na sumasaklaw sa lahat ng aspekto ng platform, at Live Chat function para maagap na matulungan ang mga user.

Pandaigdigang Marketplace

Ang Bybit ay isang pandaigdigang marketplace na nagpapahintulot sa mga user mula sa buong mundo na mag-trade ng crypto. Nag-aalok ito ng pagti-trade sa maraming wika, kabilang ang English, Spanish, Russian at Chinese. Sinusuportahan din nito ang mahigit 30 fiat currency para sa P2P trading platform nito, kabilang ang USD, EUR, at JPY.

Magsimula Sa P2P Trading sa Bybit

Kung gusto mong magsimula sa P2P trading sa Bybit, narito ang ilang bagay na kailangan mong malaman.

Step 1: Magpunta sa Bybit website at mag-sign up para sa isang account. Kapag natapos ka na, oras na para mag-trade.

Source: Bybit.com

Step 2: Para bumili o magbenta s a Bybit P2P, mag-click sa Buy Crypto → P2P Trading (0 Fees) at maghanap ng cryptocurrency na gusto mong bilhin o ibenta, tulad ng USDT.

Step 3: Para bumili ng USDT, piliin ang Buy at i-filter ang mga advertiser sa pamamagitan ng gusto mong Halaga,Mga Fiat Currency Paraan ng Pagbabayad. Kung ito ang iyong unang beses na magti-trade sa platform, kailangan mong gumawa ng nickname.

Step 4: Piliin ang nagustuhan mong advertisement at i-click ang Buy USDT.

Source: Bybit.com

Step 5: Ilagay ang halaga fiat currency na gusto mong bayaran at tingnan kung magkanong USDT ang matatanggap mo bilang kapalit. Pagkatapos ay i-click ang Buy para magpatuloy.

Source: Bybit.com

Step 6: Pagkatapos ay dadalhin ka sa order page, kung saan kailangang mong i-transfer ang iyong fiat currency sa account ng seller sa loob ng 15 minuto. Pagkatapos ma-verify na ang lahat ng iyong detalye ay tama, mag-click sa Nakumpleto Na Ang Pagbabayad. Dapat mong matanggap ang coins sa loob ng 10 minuto, pagkatapos ay pwede kang mag-click sa Tingnan ang Asset para makita ang mga iyon, kasama ang history ng iyong transaksyon. Kung pagkatapos ng 10 minuto ay hindi mo pa rin natatanggap ang coins, mag-click sa Magsumite ng Apela at kokontakin ka ng customer support team.

Source: Bybit.com

Kung gusto mong mag-trade sa mas mataas na limit ng transaksyon, dapat mo munang kumpletuhin ang KYC verification. Pagkatapos ay magpunta sa Account at Security sa itaas na kanang sulok ng account at mag-click sa I-verify Ngayon para mag-upload ng kopya ng iyong pasaporte. Sunod, kailangan mong kumpletuhin ang facial recognition scan. I-verify ang impormasyon ng iyong pasaporte, pagkatapos ay mag-click sa Susunod. Kapag na-verify na ang mga detalye ng iyong KYC, pwede kang makipag-transact sa mas mataas na halaga.

Kaisipan sa Pagsasara

Ang P2P trading ay ang pinakamagandang paraan para kumita ng passive income. Simple lamang ito, madaling gawin at talagang malaki ang kinikita kapag nagawa ito nang tama. May ilang bagay na dapat tandaan kapag gumagamit ng paraan na ito ng pagti-trade, gayunpaman, sa pangkalahatan ang prosesong ito ay napakatuwiran. Sa Bybit, pwede kang mag-trade nang may kumpiyansa dahil alam mong makakakuha ka ng patas na presyo para sa iyong mga transaksyon. Kung gusto mong mas kumita pa ng pera sa pamamagitan ng pagti-trade, pero naaantala dahil sa mahihirap na tool na kinakailangan para sa spot o derivatives trading, kung gayon dapat isaalang-alang ang P2P trading.