Guides P2P Guides

Pinakamagagandang Paraan Para Bumili ng Crypto Gamit ang Cash sa 2022

Beginner
P2P Guides
Crypto
Ago 26, 2022

Gusto mo bang bumili ng crypto gamit ang cash? Kung oo, mahalagang magkaroon ka muna ng crypto wallet o Bitcoin wallet bago ka bumili ng Bitcoin o anumang iba pang cryptocurrency. Ang pinakamagandang wallet ay ang mga hardware wallet nag-aalok ng maraming feature ng seguridad.

May apat na iba’t ibang paraan para bumili ng crypto gamit ang cash. Pwede kang:

  1. Gamitin ang peer-to-peer (P2P) na palitan

  2. Gamitin ang fiat deposit at balance payment service

  3. Bisitahin ang crypto ATM

  4. Personal na bumili ng crypto

Bakit Bibili ng Crypto Gamit ang Cash?

Ang pagbili ng Bitcoin o iba pang mga crytocurrency gamit ang cash ay may ilang mahahalagang benepisyo. Para sa isa, ang transaksyong cash ay nagbibigay sa iyo ng malaking halaga ng privacy. Kahit ang paggamit ng standard na palitan ng crypto ay kumbinyente, hindi mo na kailangang ipakita ang personal na impormasyon para ma-verify ang identity sa pagbili gamit ang cash. Kaya, ang pagbili ng Bitcoin gamit ang cash sa halip na credit o debit card ay magiging mas ligtas dahil pinapanatili ka nitong malayo sa pagiging biktima ng pagnanakaw ng identity.

Mas pinapadali rin nito na makumpleto ang transaksyon ng palitan o bank transfer. Ang karaniwang deposito sa bangko ay tumatagal nang mga isa hanggang tatlong araw na bukas ang opisina bago makumpleto. Mga Centralized exchanges (CEXs) madalas na humihingi ng identity verification bago isagawa ang mga transaksyon, na tatagal ng ilang araw hanggang linggo, depende sa palitan. Makakatipid ka ng maraming oras sa pagti-trade gamit ang cash.

Paano Bumili ng Crypto Gamit ang Cash

Apat na pangunahing paraan na nagpapahintulot sa iyo na bumili ng Bitcoin at iba pang mga cryptocurrency gamit ang cash. Tandaan na ang bawat isa sa mga paraan ay hindi lamang nagpapahintulot sa iyo na bumili, kundi magbenta rin ng Bitcoin at iba pang mga cryptocurrency.

1. Mga Peer-to-Peer (P2P) na Palitan

Gamit ang pinagkakatiwalaang palitan tulad ng Bybit ay isang ligtas na paraan para sa pagbili ng mga bitcoin gamit ang cash. Ang platform ay kumikilos bilang isang uri ng serbisyong escrow na humahawak ng iyong pera hanggang sa makumpleto ang transaksyon.

Source: Bybit.com

Pwede ka ring bumili ng ibang mga cryptocurrency sa Bybit platform, tulad ng USDT at Ether. Tinitiyak ng Bybit ang mas ligtas na mga transaksyon sa pamamagitan ng KYC verification nito. Iniaalok din ang Bybit P2P Trading sa pamamagitan ng mobile app o desktop version.

Para bumili ng Bitcoin gamit ang mobile app, sundin lang ang mga hakbang na ito:

Step 1: Mag-click sa Buy Crypto button osa home page, at saka piliin ang P2P.

Step 2: Sa Buy page, pwede mong i-filter ang iyong napiling mga advertiser pagkatapos ilagay ang paraan ng pagbabayad, halaga at mga fiat currency na field. Ang impormasyon na iyong inilagay ay depende sa transaksyon na gusto mong kumpletuhin. Kung ito ang iyong unang beses sa pagbili ng Bitcoin sa P2P, kailangan mong gumawa ng nickname.

Step 3: Piliin ang nagustuhan mong advertiser bago mag-click sa Buy button.

Step 4: Ilagay ang halaga ng fiat na gusto mong bayaran o ang bilang ng coins na gusto mong matanggap, at saka piliin ang Buy para magpatuloy sa transaksyon. Pagkatapos ay ibabalik ka sa main order page, kung saan magkakaroon ka ng 15 minuto para masiguro na ang pera ay nailipat  sa account ng seller. Kapag nalaman mong tama ang bawat detalye ng order, mag-click sa Go to Pay.

Step 5: Mag-click sa Nakumpeto na ang Bayad sa oras na matapos na ang transaksyon.

Ang Pagbili ng Bitcoin sa pamamagitan ng P2P platform sa Bybit ay ganoon lang kasimple. Kapag natanggap mo na ang iyong coins, pwede mong makita ang lahat ng mga detalye ng transaksyon sa history ng iyong P2P asset. Itinatampok din nito ang Live Chat box kung saan pwede mong makausap ang seller sa eksaktong oras. Karagdagan pa, ang customer support team ay magiging available 24/7 para tulungan ka kapag nagkaroon ng problema. Halimbawa, kapag hindi mo natanggap ang coins sa loob ng 10 minuto, mag-click sa Submit Appeal, at kokontakin ka ng customer support team.

Bumili ng Bitcoin at iba pang mga cryptocurrency sa pamamagitan ng Bybit P2P Trading ngayon!

2. Fiat Deposit at Balance Payment Service

Ang Bybit ay nag-aalok din ng Fiat Deposit at Balance Payment Service na may ilang pagpipilian sa currency na pwedeng pagpilian. Kabilang sa iba’t ibang fiat currency na pwede mong gamitin para bumili ng crypto ay ang BRL, ARS, EUR, GBP at RUB. (Tandaan na ang pagkumpleto ng KYC ay kailangan kapag naabot mo na ang tiyak na limit para sa ilang mga currency.) Madali mong mabibili ang Bitcoin at ilan sa iba pang mga cryptocurrency tulad ng Ripple (XRP) at Cardano (ADA) sa pamamagitan ng cash deposit at balance payment service.

Para bumili ng iyong napiling cryptocurrency gamit ang fiat, tingnan ang mga hakbang sa ibaba (Tandaan na kailangan mo munang magdeposito ng fiat):

Step 1: Sa ibabaw na kaliwang bahagi ng navigation bar, mag-click sa Bumili ng Crypto bago piliin ang Express.

Step 2: Para bumili ng gusto mong crypto, sundin ang mga hakbang na ito:

  • Piliin ang nagustuhan mong fiat currency (halimbawa, EUR).

  • Mag-click sa coin na gusto mong ipadala sa iyong funding account.

  • Ilagay ang halaga na gusto mong bilhin.

  • Piliin ang BRL Balance bilang pangunahin mong paraan ng pagbabayad.

Source: Bybit.com

Step 3: Pwede mo na ngayong piliin ang Bumili gamit ang BRL. Tandaan na ang reference price ay nagre-refresh kada 30 segundo.

Step 4: Tiyakin na ang lahat ng iyong detalye ay tama, pagkatapos ay mag-click sa Confirm.

Step 5: Kapag nakumpleto na ang iyong transaksyon, ang halaga ng coins ay idedeposito sa iyong funding account pagkatapos ng isa o dalawang minuto. I-click ang View Asset button para makita ang iyong kasalukuyang balanse. Ang status ng iyong order ay pwedeng ipadala sa iyong email.

Bumili ng napili mong crypto sa pamamagitan ng Bybit Express ngayon!

3. Mga Crypto ATM

Kung mas gusto mo ang mas tradisyonal na paraan para bumili ng crypto gamit ang cash, pwede kang gumamit ng crypto ATM. Karaniwan itong gumagana tulad ng karaniwang ATM, kung saan magpunta lang sa stand-alone kiosk at ipasok ang cash o credit o debit card. Available ang iba’t ibang crypto ATM, tulad ng mga Ether ATM, Litecoin ATM, Bitcoin Cash ATM at — ang pinakasikat — ang mga Bitcoin ATM.

Source: CoinATMRadar.com

Karamihan sa mga Crypto ATM ay sumisingil ng bayad nang lima hanggang sampung porsiyento ng transaksyon. Kahit na mataas ang singil, ang mga ATM ay kadalasang nagpapahintulot sa iyo na bumili ng crypto nang hindi dumadaan sa proseso ng verification. Kahit na ang ilan sa mga Crypto ATM ay hindi dumadaan sa proseso ng verification, ang iba naman ay dumadaan dito.

Nasa ibaba ang mga hakbang sa pagbili ng Bitcoin mula sa Bitcoin ATM. Habang ang proseso ng pagbili ng Bitcoin sa pamamagitan ng ATM ay maaaring naiiba nang kaunti sa machine sa machine, ang pangkalahatang hakbang ay ang mga sumusunod:

  1. Siguruhin na mayroon kang Bitcoin wallet bago bumili. Para sa karagdagang seguridad, isaalang-alang ang pagbili ng mga hardware wallet tulad ng Ledger at Trezor.

  2. Maghanap ng Bitcoin ATM na malapit sa iyo.

  3. Ilagay ang iyong order sa machine. Ang mga tagubilin para gawin ito ay dapat nakalista sa machine. Hihingin sa iyo na magbigay ng iyong Bitcoin address para sa mabilis na pagdeposito, kaya mo lagi itong dalhin.

  4. I-scan ang wallet QR Code para kumpletuhin ang iyong pagbili. At saka, magdeposito ng cash sa machine para magbayad ng iyong order.

  5. Kapag nakumpirma na iyong transaksyon, ang coins ay dapat ipadala sa iyong wallet.

4. Personal na Pagbili

Habang ang mga third party na serbisyong binanggit sa itaas ay mga epektibong paraan para bumili ng Bitcoin at iba pang mga cryptocurrency gamit ang cash, baka gusto mong bumili ng third-party service para sa ganitong uri ng transaksyon. Kung ganyan ang kaso, ikaw mismo ang kailangan magsagawa ng transaksyon sa seller. Sinusuportahan ng P2P platform ng Bybit ang mahigit sa 300 paraan ng pagbabayad, na may personal na cash na mga transaksyon ay isa lamang sa marami.

Source: Pexels.com

Sa ibang dako, kung may mga kaibigan ka sa industriya ng cryptocurrency, maaari ka nilang matulungang bumili ng Bitcoin o iba pang mga cryptocurrency gamit ang cash. Pwede ka ring dumalo sa Bitcoin meetup para makipagkaibigan sa mga kapwa mahihilig sa Bitcoin at crypto, at saka magpatuloy para maghanap ng mapagkakatiwalaang tao na bibilhan mo ng Bitcoin.

Sa kaso ng anumang personal na transaksyon, ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan ay ang iyong kaligtasan at privacy bago ang iba pa. Huwag ibigay sa seller ang tunay mong pangalan o address. At, huwag ding kalimutang i-verify ang iyong kumpletong transaksyon sa iyong crypto wallet.

Kung gusto mong makipagkita sa mga lokal na seller, gawin ito sa pampublikong lokasyon na alam mong ligtas. Kabilang sa mga pinakapopular na mga lugar para sa mga ganitong uri ng mga transaksyon ay ang mall, bangko at coffee shop. Habang maraming paraan kung paano ka makakabili ng crypto nang personal, lubos na nirerekomenda na gumamit ka ng escrow service para pamahalaan ang iyong maayos at ligtas na transaksyon.

Kung hindi ka pa nakakagamit ng escrow, ang mga serbisyong ito ay magho-hold ng crypto hanggang sa makumpleto ang transaksyon, pagkatapos ay direktang ipapadala ng escrow account sa iyo ang mga crypto coin. Kahit gumagamit ng ganitong pamamaraan, mahalaga pa ring magsagawa ng transaksyon sa ligtas at siguradong lokasyon.

Kung iniisip mong bumili ng crypto mula sa isang seller na hindi mo pa nakakatrabaho, pumili ng lokasyon na may mga security camera, access control at mga metal detector. Basta’t pinapanatili mo ang common sense kapag nagsasagawa ng personal na transaksyon, dapat kang makabili ng crypto nang walang problema.

Mga Pros at Cons sa Pagbili ng Crypto Gamit ang Cash

Kung interesado kang bumili ng Bitcoin at iba pang mga cryptocurrency gamit ang cash, may ilang pros at cons na dapat mong malaman bago tapusin ang transaksyon.

Pros

Tulad ng una nang binanggit, ang pagbili ng cash ay napakaganda dahil sa iyong kakayahang maiwasan ang mahaba at mapanghimasok na proseso ng verification. Halimbawa, ang pagbili ng crypto gamit ang cash nang personal ay nangangahulungan na hindi mo na kailangang magbigay sa seller ng iyong pangalan o address.

Sa Bybit, kapag bumili ka ng crypto gamit ang fiat deposit feature nito, mai-enjoy mo rin ang anonimity at privacy, kapag bibili ka ng mga fiat currency na hindi nangangailangan ng mga KYC requirement.

Ang isa pang pakinabang ng pagbili ng crypto gamit ang cash ay maituturing itong uri ng transaksyon na mas mabilis kaysa sa mga alternatibo. Habang ang mga cash na transaksyon ay pwedeng makumpleto sa loob ng ilang minuto, bago ka pa makapagsimulang bumili ng crypto sa mga palitan, ang proseso ng pag-verify ng identity ay tumatagal ng ilang linggo. Kahit ang mga bank deposit ay tumatagal ng isa hanggang tatlong araw.

Cons

Kahit na ang cash ay ang kaakit-akit na paraan ng pagbabayad para sa sinumang gustong bumili ng Bitcoin at iba pang mga cryptocurrency, may ilang isyu sa opsyong ito. Ang isa ay limitado ang halaga ng iyong transaksyon. Karamihan sa mga Bitcoin ATM halimbawa ay may limit kung magkano ang magagamit mo sa oras ng transaksyon. Gayunpaman, sa Bybit P2P trading, basta’t na-verify ang iyong impormasyon ng KYC, pwede kang magsagawa ng mas malalaking transaksyon.

Mapanganib din ang personal na pagbili kaysa sa pamamagitan ng pinagkakatiwalaang palitan tulad ng Bybit. Ang paggamit ng escrow service ay tutulong na masugpo ang panganib na ito.

Panghuling Ideya

Habang pwede kang bumili ng Bitcoin at iba pang mga cryptocurrency gamit ang cash, pinakamabuti na gawin ito sa pamamagitan ng P2P trading, na ginawang posible sa pamamagitan ng mga pinagkakatiwalaang palitan tulad ng Bybit. Isa pang epektibong solusyon ay bumili ng Bitcoin gamit ang fiat deposit sa pamamagitan ng Bybit. Ang pagbili ng crypto ay mas pinasimple sa Bybit, at ang mga transaksyon ay ginagarantiyang ligtas at sigurado. Karamihan ng iba pang opsyon ay halos hindi ligtas. Bukod sa cash, pwede ka ring bumili ng crypto gamit ang credit card sa Bybit Express channel, na parehong ligtas at maalwan.