Guides P2P Guides

Pinakamagagandang Paraan Para I-convert ang Crypto Sa Cash ng Bybit sa 2022

Beginner
P2P Guides
27 ส.ค. 2022

Kahit na ang mga crypto advocate at enthusiast ay gumagawa ng kaso para sa crypto na nagiging mainstream, nangingibabaw pa rin ang fiat money sa pandaigdigang pananalapi. Ang mga merchant at retailer na tumatanggap ng crypto bilang bayad ay kakaunti pa rin at malayo ang agwat. Alinsunod dito, kailangan pa ring i-convert ng mga may hawak ng crypto asset ang kanilang mga hawak na cash para sa regular na pang-araw-araw na paggamit at paggastos.

Gayunpaman, sa pagitan ng pag-navigate sa mga palitan at mga storage wallet — at pag-unawa kung paano sila gumagana — maraming investor ang nananatiling nalilito. 

Sa kabutihang palad, ang mga pangunahing palitan tulad ng Bybit ay ginagawang direta para sa mga user na i-convert ang kanilang mga cryptocurrency sa fiat.

Ipapaliwanag ng artikulong ito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga off-ramping na solusyon ng Bybit, para makapag-cash out ka nang walang abala.

Ano Ang Off-Ramp ng Crypto?

Ang off-ramp ng crypto ay ang proseso ng pagpapalitan ng mga cryptocurrency para sa fiat currency. Ang ibig sabihin nito ay “pag-cash out” ng crypto sa fiat currency na ginamit para mag-trade na halaga.

Sa off-ramp, ang mga user ay may option na mag-trade sa loob at sa labas ng fiat currency at crypto kahit anong oras. Ang kakayahan na tuloy-tuloy na mag-convert ng crypto pabalik sa fiat currency ay humihimok sa mas malawak na paggamit ng crypto.  

Bakit Magco-convert ng Iyong Crypto sa Cash?

Hinihintay ng mga naniniwala sa Crypto ang panahon kung kailan papalitan ng crypto ang fiat money para sa pang-araw-araw na paggamit. Gayunpaman, malayo pa ang vision na ito, at kailangan mo pa ring i-convert ang iyong crypto sa fiat para makabili ng isang tasa ng kape o mga grocery. 

Bukod diyan, ang mga cryptocurrency ay kilala sa pagiging pabagu-bago. Kaya, depende sa iyong diskarte sa pamumuhunan, mas makabubuting i-cash out ito kapag ang halaga ng hawak mong crypto ay tumaas sa tiyak na level ng kita.

Ang mabilis at hindi mahuhulaang pagkilos ng presyo ay laging hamon sa mga cryptocurrency market. Ang mga stablecoin ay ipinakilala para pag-usapan ang problemang ito. Ang mga ito ay mga crypto asset na ang presyo ay naka-peg sa iba pang matatag na asset, tulad ng fiat o gold, nagbibigay ng proteksyon sa kanila mula sa pagiging pabagu-bago ng market. Gamit ang mga stablecoin, nakita ng mga crypto investor ang nakakatulong na hedge laban sa problema sa volatility.

Gayunpaman, ang kamakailang pagbagsak ng Terra ecosystem at ang UST stablecoin nito ay naging

anino sa espasyo ng stablecoin. Ang mga tao ay nagsimulang magtanong sa katatagan ng mga stablecoin at tumataas ang demand sa mas maraming regulasyon. Samantala, ang fiat currency ay patuloy na nagbibigay ng katatagan at paraan ng palitan na pinahahalagahan ng mga investor.

Pinakamagandang Paraan para I-convert ang Iyong Crypto sa Cash

Ang Bybit ay nagbibigay ng mataas na kalidad ng platform para sa kahit sinong user, anuman ang level ng kanilang karanasan, para mag-cash out ng kanilang crypto. Narito ang tatlong paraan para mag-convert ng kanilang mga digital asset sa fiat currency sa Bybit.

Pagbebenta ng Crypto Gamit ang P2P Trading

Bilang isa sa pinakamahusay na palitan ng P2P sa crypto space, P2P trading platform ng Bybit ay nag-aalok ng direkta at ligtas na paraan para sa dalawang user na ipagpalit ang halaga sa napagkasunduang presyo. Narito kung paano mag-cash out ng iyong crypto gamit ang P2P ng Bybit.

Gamit ang App

Step 1: Magpunta sa home page at i-click ang Buy Crypto, at saka P2P.

Step 2: Magpunta sa Sell page, at maghanap ng napili mong buyer sa pamamagitan ng pagfilter sa HalagaMga Fiat Currency o Paraan ng Pagbabayad. Magdagdag ng iyong napiling paraan ng pagbabayad, kung hindi mo pa ito nagagawa.

Step 3: Kapag nahanap mo na ang iyong ideal buyer, mag-click sa Sell

Step 4: Sa inilaang field, i-type ang halaga ng USDT na gusto mong ibenta, o ang halaga ng fiat na gusto mong matanggap, at i-click ang Sell

Siguruhin na ang pangalan ng bank account ay kapareho ng iyong nakarehistrong pangalan sa Bybit. Kung hindi, pwedeng kanselahin ng buyer ang order at mag-request ng refund.

Step 5: Pagkatapos mong simulan ang pagti-trade sa pamamagitan ng pag-click sa Sell, may 15 minuto lang ag buyer para magbayad sa pamamagitan ng iyong napiling paraan ng pagbabayad, o ang transaksyon ay awtomatikong makakansela. Kapag nakaranas ka ng problema sa pagproseso ng transaksyon, pwede mong simulan agad ang pakikipag-usap sa buyer sa pamamagitan ng pagpindot sa Live Chat icon sa itaas na kanang sulok. 

Step 6: Kapag matagumpay nang napondohan ng buyer ang iyong naka-link na bank account sa Bybit, magpatuloy at mag-click sa Release Now para magpadala ng iyong crypto sa wallet ng buyer.

Para maiwasan ang pagkawala ng iyong mga digital asset, suriing mabuti para masiguro ang mga pondo sa iyong bago i-release ang iyong mga token sa buyer.

Kapag nabigong magbayad ang buyer sa loob ng 15 minuto, ang order ay awtomatikong makakansela, at ang mga token mo sa loob ng escrow ay ibabalik sa iyong Spot Account.

]Kapag hindi mo natanggap ang bayad sa loob ng 10 minuto pagkatapos maabisuhan, mag-click sa Submit Appeal, at kokontakin ka ng customer support rep.

Kung mayroon kang anumang mga isyu sa iyong order, mag-click sa support icon sa ilalim na kaliwang sulok para kontakin ang Bybit Live Chat, o magpadala ng email sa support@bybit.com. Pakibigay ang iyong UID, P2P order number at screenshot para sa mabilis na resolusyon.

Gamit ang Desktop

Step 1: Pagkatapos ng matagumpay na pag-log in, mag-click sa Buy Crypto, at saka P2P Trading sa ibabaw na kaliwang sulok ng navigation bar para magpunta sa P2P trading page.

Step 2: Maghanap ng napili mong buyer sa pamamagitan ng pagfilter sa HalagaMga Fiat Currency o Paraan ng Pagbabayad. Magdagdag ng iyong napiling paraan ng pagbabayad, kung hindi mo pa nagagawa ito.

Step 3: Piliin ang offer mula sa na-filter na mga resulta ng paghahanap, at mag-click sa Sell USDT.

Step 4: Ilagay ang halaga ng USDT na gusto mong ibenta, o ang halaga ng fiat currency na gusto mong matanggap, at mag-click sa Sell.

Siguruhin na ang pangalan ng bank account ay kapareho ng iyong nakarehistrong pangalan sa Bybit. Kung hindi, pwedeng kanselahin ng buyer ang order at mag-request ng refund.

Step 5: Hintayin na makapagbayad ang buyer. Dapat nila itong gawin sa loob ng 15 minuto, o awtomatikong makakansela ang order. Sa katulad na paraan, kapag nagkaroon ka ng mga problema sa transaksyon, pwede mong i-click ang Live Chat icon para mag-chat sa buyer.

Step 6: Aabisuhan ka kapag nakumpleto na ng buyer ang bayad. Kumpirmahin na ang pondo ay nasa iyong account bago mag-click sa Release Now para magpadala ng iyong coins sa buyer.

Awtomatikong kakanselahin ang order kapag hindi nakumpleto ng buyer ang bayad sa loob ng 15 minuto, at ang coins na nakareserba sa escrow ay ibabalik sa iyong Spot Account.

Kapag hindi mo pa natanggap ang bayad sa loob ng 10 minuto pagkatapos maabisuhan, mag-click sa Submit Appeal, at kokontakin ka ng customer support rep. Bilang kahalili, pwede mong bisitahin ang Bybit homepage at mag-click sa support icon sa ilalim ng kaliwang sulok para kontakin ang Bybit Live Chat. Email-wise, pwede kang magpadala ng email sa support@bybit.com at magbigay ng iyong UID, P2P order number at mga screenshot para sa mabilis na resolusyon.

Kahit na may nagaganap na mga panlilinlang sa P2P space, hindi mo na kailangang mag-alala pagkatapos mong mabasa ang aming guide kung paano maiiwasan ang mga scam at panlilinlang sa P2P crypto at kung paano ka matututo.

Pag-withdraw sa pamamagitan ng Cabital Connect 

Step 1: Mag-log in sa iyong Cabital account at mag-click sa + button. Mag-click sa Withdraw at piliin ang iyong fiat currency.

Step 2: Ilagay ang halaga na gusto mong withdrawhin at ang napili mong paraan ng pagbabayad, at kumpirmahin ang bank account number na ipinakita sa screen.

Step 3: Ilagay ang mga 2FA authentication code mula sa iyong email at Google Authenticator para aprubahan ang withdrawal.

Step 4: Ang kahilingan sa pagwithdraw ay ipoproseso at ang pondo ay ipapadala sa iyong bank account.

Pagwithdraw sa Panloob na Platform at Pag-cash Out

Ang Bybit ay nagpapahintulot sa iyo na magwithdraw sa panloob na platform, tulad ng hardware wallet o money transfer app tulad ng PayPal, at pagkatapos ay mag-cashout mula rito. Pwede itong gawin sa ilang madaling hakbang.

Gamit ang PC/Desktop

Step 1: Mag-click sa Mga asset sa ibabaw na kanang sulok ng home page, at saka sa Spot Account

Step 2: Mag-click sa Withdraw sa column ng withdrawal currency. Ang mga withdrawal ay dapat nagmula lamang sa iyong Spot Account. Kailangan mo munang ilipat sa iyong Spot account ang asset mo sa iba pang account bago makapagwithdraw.

Step 3: Ilagay ang withdrawal address ng iyong receiving wallet. Pwede mo rig piliin ang listahan ng iyong paunang nirehistrong mga withdrawal wallet address.

Step 4: Piliin ang iyong napiling chain type. Ang transaction fee para sa bawat chain ay ipinapakita.

Step 5: Ilagay ang halaga ng withdrawal, o mag-click sa Lahat para withdrawhin ang lahat ng asset mo. Pwede mong tingnan ang minimum na halaga na maaari mong withdrawhin para sa napili mong coin at blockchain sa kanan ng withdrawal window.

Step 6: Mag-click sa Submit para magpunta sa verification page ng withdrawal. Dalawang hakbang ang kailangan sa verification — email verification at Google Authentication — kung hindi verified ang wallet address mo.

Pwede kang mag-skip sa proseso ng 2FA verification at magsumite ng iyong withdrawal request kapag na-verify ang iyong address. I-follow ang guide na ito para ma-verify ang iyong withdrawal address.

Step 7: Mag-click sa Get Code at i-drag ang slider para makumpleto ang verification.

Step 8: Pakilagay ang verification code na iyong natanggap sa rehistradong email ng iyong account.

Step 9: Pakilagay ang 6-digit Google Authenticator na 2FA security code na iyong nakuha.

Step 10: Mag-click sa Submit para kumpletuhin ang iyong kahilingan sa pagwithdraw.

Gamit ang App

Step 1: Magpunta sa Assets mula sa home page.

Step 2: Click on the Spot or Overview tab at the top of the page, then click on Withdraw.

Step 3: Piliin ang token na gusto mong withdrawhin. 

Pwede ka ring mag-click sa Spot tab at piliin ang coin na gusto mong withdrawhin. Dadalhin ka nito sa Coin page. Mag-click sa Withdraw sa ibaba ng page. 

Step 4: Ilagay ang mga detalye ng iyong withdrawal sa ibinigay na fields.

A) I-type ang withdrawal wallet address.

B) Piliin ang iyong chain type mula sa drop-down list. 

C) Ilagay ang iyong withdrawal amount. Sa ibaba ng field, makikita mo ang kasalukuyang halaga na pwede mong withdrawhin, at sa ibaba ng page, ang withdrawal fee at ang final na halaga na iyong matatanggap. 

D) Mag-click sa Withdraw button sa ibaba ng page.

Step 5: I-type ang iyong email verification at Google Authenticator code kung hindi verified ang wallet address mo.

Mag-skip sa prosesong ito kung verified ang address mo.

Pagbebenta ng Crypto Sa Pamamagitan ng One-Click Sell

Pumili ng mas direktang paraan ng pag-convert ng iyong crypto sa cash? Huwag mag-alala, sagot ka ng Bybit gamit ang aming Fiat Withdrawal at Balance Payment Service. Sa sandaling ito, pwede kang mag-cash out ng iyong crypto sa pamamagitan ng pag-convert ng mga ito sa mga fiat currency na kabilang ang BRL at ARS. Mula sa mga stablecoin tulad ng USDT at USDC sa blue chip na mga cryptocurrency tulad ng BTC at ETH, ang Bybit ay nag-aalok ng malawak na uri ng options para madali at walang kahirap-hirap na ma-cash out ang hawak mong crypto.

Step 1: Mag-click sa Bumili ng Crypto at piliin ang Express. Pagkatapos ay piliin ang Sell option sa ilalim ng One-Click Buy tab.

Step 2: Ilagay ang halaga at i-type ang crypto na gusto mong ibenta. Tiyaking may sapat kang balanse sa iyong account bago magpatuloy sa transaksyon.

Step 3: Ilagay ang fiat currency na gusto mong ipadala sa iyong fiat balance at tingnan ang kabuuang halaga na katumbas sa kasalukuyang halaga ng palitan sa pagitan ng cryptocurrency at ng fiat currency.

Step 4: Tiyakin na ang lahat ng iyong detalye ay tama, pagkatapos ay mag-click sa Confirm.

Step 5: Kapag nakumpleto na ang iyong transaksyon, ang halaga ng fiat ay idedeposito sa iyong  balanse pagkatapos ng isa o dalawang minuto. I-click ang View Asset button para makita ang iyong kasalukuyang balanse. Ang order status ay pwedeng ipadala sa iyong email.

Ang Bottom Line

Ang Off-ramping na crypto ay nangangahulugan lamang na pag-convert ng iyong mga digital aset sa cash para magamit sa tunay na mundo. Ito ay ang pangunahing tagapagsulong para sa paglago at pangunahing paggamit ng Web 3.0, ang susunod na henerasyon ng internet.

Ang nangungunang crypto exchange na Bybit ay bumuo ng mga makatotohanang on-ramp at off-ramp na solusyon upang pahintulutan ng mga crypto user na mag-trade nang walang kahirap-hirap sa pagitan ng fiat at crypto, at vice versa. Gusto mo bang magsimula sa pamumuhunan sa crypto? Mag-sign up sa Bybit at simulan ang iyong crypto journey sa amin ngayon.