Topics Blockchain

Mag-add ng ETHW sa MetaMask at Magdeposito ng ETHW sa Bybit

Beginner
Blockchain
Sep 16, 2022

Ang pinakahihintay na Ethereum Merge ay narito na sa wakas sa Setyembre 15, 2022 at bilang resulta, ang mga ETH holder ay kwalipikadong tumanggap ng mga ETHW token sa pamamagitan ng airdrop. Kung isa ka sa mga ETH holder na nakatanggap ng ETHW airdrop, matutuwa kang malaman na ang Bybit ay isa sa pinakaunang palitan para aktuwal na mag-alok ng ETHW/USDT spot trading pair. Sundin ang detalyadong gabay para malaman kung paano mag-add ng ETHW sa Metamask at magdeposito ng inyong ETHW sa inyong Bybit Spot account para sa pagti-trade. 

ETHW Airdrop

Sa ngayon, dapat nakatanggap na ang lahat ng Bybit account holder na may mga ETH equity ng kanilang libreng naka-fork na mga token ng ETHW sa kanilang Bybit Spot account.

Paano Magdagdag ng ETHW sa MetaMask

Ang unang bagay na kailangan mong gawin ay magdagdag ng ETHW network sa iyong MetaMask wallet.

Sa pagbubukas ng MetaMask, makikita mo na naka-sync ito sa default na Ethereum mainnet. Mag-click sa drop-down network menu sa ibabaw ng page at piliin ang Add Network.

Pagkatapos ay sesenyasan ka ng MetaMask na ilagay ang mga bagong detalye ng network:

Pangalan ng Network: ETHW-mainnet

Bagong RPC URL: https://mainnet.ethereumpow.org

Chain ID: 10001

Symbol: ETHW

Explorer: https://mainnet.ethwscan.com

Paano Magdeposito ng ETHW sa Bybit

Ngayon na kami na ang bahala sa iyo kung paano ka magdaragdag ng mga ETHW token mo sa MetaMask, tingnan naman natin kung paano ka makakapagdeposito ng mga token na iyon sa inyong Bybit Spot account para mag-trade. Kung wala ka pang account, pwede kang mag-register para sa Bybit account para makapagsimula.

Sa Desktop

Step 1: Mag-click sa Assets sa itaas na kanang bahagi ng Bybit home page para dalhin ka sa Assets Page sa ilalim ng Spot Account

 

Step 2: Hanapin ang ETHW token sa search column at mag-click sa Deposit

Step 3: Sa MetaMask, tiyakin na nasa ETHW Mainnet ka bago mag-click sa Send

Step 4: Kopyahin ang Bybit wallet address at ilagay ang address na ito sa destination address field sa MetaMask. At saka, i-click ang Send.

Step 5: Hintayin ang ETHW para lumitaw sa inyong Bybit Spot account at pwede ka nang mag-trade.

Sa Mobile

Step 1: Mag-tap sa Assets button sa kanang sulok sa ilalim ng page. 

Step 2: Sa ilalim ng Spot, mag-tap sa Deposit.

Step 3: Hanapin ang ETHW token sa search bar.

Step 4: Dadalhin ka sa iyong Bybit wallet address. Kopyahin ang address na ito para mailagay mo ito sa iyong MetaMask destination address field.

Paano Mag-trade ng ETHW sa Bybit

Ngayong may mga ETHW token na sa iyong Bybit Spot account, pwede ka nang magpunta sa trade ETHW sa ETHW/USDT Spot trading page. 

Sa Desktop

Step 1: Mag-click sa Trade at piliin ang Spot Trading. At saka, piliin ang ETHW/USDT Spot Trading pair.

Step 2: Dadalhin ka sa ETHW/USDT Spot Trading page. Sa kanang bahagi ng page, piliin ang Market.

Step 3:

  • Bumili: Ilagay ang halaga ng USDT na gusto mong bayaran kapalit ng ETHW.

  • Magbenta: Ilagay ang halaga ng ETHW na gusto mong ibenta kapalit ng USDT.

Step 4: Mag-click sa Bumili ng ETHW Magbenta ng ETHW at mapupunan ang order mo.

Sa Mobile

Step 1: Mag-tap sa Assets ant piliin ang ETHW.

Step 2: Mag-tap sa ETHW/USDT Spot Trading pair.

Step 3: Piliin ang Market.

Step 4:

  • Bumili: Ilagay ang halaga ng USDT na gusto mong bayaran kapalit ng ETHW.

  • Magbenta: Ilagay ang halaga ng ETHW na gusto mong ibenta kapalit ng USDT.

Step 5: Mag-click sa Bumili ng ETHW Magbenta ng ETHW at mapupunan ang order mo.

Samantalahin din ang kasalukuyang zero fees campaign ng Bybit para sa lahat ng trading pair!

Ang Bottom Line

Sa paggamit ng patnubay na ito, madali kang makakapagdagdag ng iyong ETHW token sa MetaMask at makakapagdeposito ng mga ito sa iyong Bybit Spot account para sa pagti-trade. 

Sinusuportahan ng Bybit ang:

Airdrop ng ETHW

Deposito ng ETHW

Trade ng ETHW

Kaya kung gusto mong mag- trade ng ETHW, lagi mong maaasahan ang Bybit, ang kauna-unahang palitan na nagpapahintulot sa iyong magawa ang lahat ng ito.